KABANATA 26

372 35 0
                                    

~~★~~

Beatrice POV

"Oliver, nakikita mo ba ang nakikita ko?" Bulong ko sakanya.

"Hmmm. Mukhang si Avie, ang pakay nila. Bakit kaya?" Sabi niya.

"Mukhang kanina pa sila nandito at naghahanap ng tyempo" Sabi ko din.

"Kornerin na ba naten sila?" Biglang lapit ni Earl kaya nagulat ako.

"Eto parang kabuti. Mamaya na ilagay muna naten sa ligtas na lugar yang mga prin– este sila Agatha at Simon, malilintikan tayo kapag napuruhan sila" Sabi ko.

"Sige sige, ako na bahala sakanila" sulpot naman ni Cheska.

Nakikinig din pala ang gaga.

"Sasama ako sayo" Sabi ni Eunice kay Cheska at tumango naman siya.

"Sino bang 'akin?" Sabi naman ni Rafael.

"Tado wag kang maingay" Batok sakanya ni Earl.

"Akin yun" Sabi ko sabay turo doon sa isang lalake na palabas ng mall.

"Sige sasamahan kita mukhang hindi siya nag-iisa" Sabi ni Oliver kaya tumango ako.

"Kami na bahala doon sa iba" Sabi naman ni Eunice. "Mukhang napansin na ni Avie, na nandito tayo" dagdag niya kaya tinignan ko sila Avie.

"Hindi naman siguro" Sabi ko kasi abala makipag harutan kay Alex hahahahaha.

"Ano tara na?"

"Arat" Sabi ko at naghiwahiwalay na kami.

Sumunod kami doon sa MIB na palabas ng mall papunta atang parking lot 'to. Nagtago kami sa mga sasakyan kapag lumilingon siya sa likod.

"Ano sa tingin mo ang kailangan nila?" Tanong ni Oliver saaken.

"Aba malay ko ba, bakit ako tinatanong mo hindi ko rin alam ehh" Sabi ko.

"Sabi ko nga wala akong mapapalang sagot sa'yo" Sabi niya habang pailing-iling. "Tara dali mukhang aalis na ang isang 'to" dagdag niya.

Kaya naman tumakbo kami papalapit sakanya at tinutukan ni Oliver ng kutsilyo sa leeg ako naman ay nakahawak sa dalawa niyang kamay sa likod.

"Sino nag-utos sainyo na sundan si Avie?" Tanong ko sa seryosong tono.

*Click*

Narinig ko ang pagpindot niya sa isang gamit sa likod niya. Naabot niya pa 'yon? Grabe. Kaya naman mas diniinan ko pa ang pagkakatulak sakanya sa pintuan ng sasakyan.

Nagulat na lang ako ng biglang may magsilabasan ng MIB gaya niya kaya naalisto kami ni Oliver. Kaso lang biglang may nahagip ang tenga ko.

'Wag niyo silang sasaktan'

Rinig kong sabi ng isang pamilyar na boses Ehh? Saan nanggaling iyon? Saka ko tinignan ang tenga neto. May isang device na nakasalpak sa tenga niya. Tch iba.

"Sino kayo?" Tanong ko ulit.

"Hindi namen gusto ng gulo rito"

"Kung ganon sabihin niyo sino kayo?" Tanong ko.

Pero nagulat ako ng bigla na lang umatake ang mga kasama niya kaya nabitawan ko siya.

Wala kaming laban sakanila dahil marami sila pero kung tutuusin kaya nameng dalawa pero naramdaman ko ang presensya ni Avie kaya napatigil ako.

Our Princess, His Queen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon