KABANATA 28

349 33 0
                                    

~~★~~


Althea POV

"Ano na ngayon ang iyong plano?"

"Papatayin naten ang mag-ina sa oras na lumuwas sila ng kaharian"

"Papaano?"

"Wag ka ng maraming tanong. Basta gawin mo na lang ang inuutos ko"

Napatakip naman akong aking bibig sa aking narinig. Sino ang kanilang tinutukoy? Dali-dali naman akong naglakad para hanapin ang aking Ina.

Ngunit ng maabot ko ang silid niya, wala siya rito.

"Ina?" Tawag ko sa maliit na boses.

Gamit ang maliit kong paa naglakad ako palabas ng palasyo at doon ko nagtagpuan ang aking ina.

"Ina!" Tawag ko at dali-daling tumakbo papunta sakanya.

"Ano iyon, mahal ko?" Tanong niya at pumantay saaken.

"Kasi ina.. may..." Nagaalangan akong sabihin ito dahil natatakot ako.

"Ano iyon? Sabihin mo na anak ko. Masama ba ang iyong pakiramdam?" Tanong niya at umiling naman ako.

Tinignan ko ulit ang aking pinanggalingan at may nakita akong nakatayo sa di kalayuan.

"Anak?"

"Ahh. Wala po ina itatanong ko lang po kung kailan tayo luluwas ng palasyo?" Nakangiti kong tanong.

"Hahahaha sabik na sabik ka na talagang bumalik roon ha. Sa susunod na linggo pa anak ko." Sabi niya at kinarga ako. "Huwag kang mag-alala matutuwa ka sa makikita mo roon kapag nakabalik tayo roon" Sabi niya at hinalikan ako sa pisngi.

"Opo"

"Puntahan naten ang iyong ama?" Tanong ni Ina.

"Hala! Si ama po pala nasaan na? Kanina ko pa siya hinahanap ehh. Hindi niya ako kiniss kanina bago umalis" nakanguso kong sabi.

"Ayon. Akala ko nakalimutan mo na ang tampo mo sa iyong ama ehh. Ohh siya tara na. Lakad ka na lang anak" Saad niya at akmang ibaba ako.

"No. Karga mo lang ako"

"Hahahahaha sige. Ang kulit mo talaga"

*****

"Hindi mo kami mapapatay ng aking ina!"

"Talaga lang ha at ano naman ang magagawa ng isang batang katulad mo?"

"Isusumbong kita kay ama!" Sigaw ko habang nagpupumiglas sa hawak niya.

"Kung makasumbong ka pa" Saad niya at akmang sasaksakin ako ngunit...

"Isusumbong kita... isusumbong kita... isusumbong kita..." Paulit-ulit kong sinabi iyon habang ang aking kamay ay nakahawak sa kutsilyo.

Our Princess, His Queen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon