EPILOGUE

1.2K 29 5
                                    

~~★~~

Erethrea POV

Makalipas ang ilang buwan at naging tahimik na ang aming buhay at hay, wala pa ring nagbabago sa aking dalawang prinsesa.

Ang mga kaibigan ni Althea ay nakabalik na ng maayos sa kani-kanilang bahay at palasyo, ayaw pa sana nilang umuwi ngunit kailangan. Si Alexander, naman madalang din dito dahil may inasikaso sila ng kanyang ama sakanilang palasyo.

"Ina! Si ate ohh ikakasal na parang bata pa rin ehh" sumbong ni Elethea saaken dahil nakayakap sa kanyang leeg si Althea kaya natawa ako. "Ina! Tulong!" Dagdag niya kaya humalakhak naman si Althea.

"Anong ingay eto?" Biglang pasok ni Elgion nang nakangiti saka lumapit saaken at hinalikan ako sa labi.

"Ama! Tulong, tulong. Nasasakal na ako ehh" sumbong ni Elethea sakanya ngunit natawa lang din siya.

"Tara na kasi, samahan mo ako maglakad-lakad sa labas dali na" pangungulit sakanya ng kanyang kapatid.

"Hay. Tch ayan kasi, tuwing wala si Kuya Alex ako pinagdidiskitahan mo" Sabi ni Elethea sakanya kaya natawa si Althea. "Sige na nga, saan ba tayo pupunta? Sa bayan? Bilhan mo ako ng korneto" nakangiting dagdag niya kaya nakangiting tumango naman si Althea sakanya.

"Hoy, hoy, hoy. Sinong pupuntang bayan?" Biglang sulpot naman ni Aleesha.

"Kami bakit?" Tanong ni Althea sakanya kaya bigla naman umangkla sa braso niya si Aleesha.

"Sasama ako hahahahaha" Sabi niya.

"Mag-iingat kayo ahh" Sabi ko ng maglakad sila palabas.

"Opo ina, maglalakad na lang po kami" Sabi ni Althea. "Babalik din po kami agad" dagdag niya at kumaway pa.

"Hahahahaha ang kulit pa rin talaga ng batang iyon" Natatawang sabi ni Elgion. "Kinabukasan na ang kasal nila ng prinsepe hindi ba? Kamusta na ang priparasyon?" Tanong niya.

Bumuntong hininga naman ako at nalulungkot na tumingin sakanya.

"Parang kailan lang ang bata niya pa. Bukas magiging ganap na siyang reyna ng Auria at nangangamba ako" malungkot kong sabi.

"Bakit naman? Dahil baka hindi makayanan ng iyong anak ang dadaang pagsubok sakanya kapag naging reyna na siya?" Tanong niya kaya tumango naman ako. "Maniwala ka sa anak mo, hindi yan basta-basta sumusuko at alam kong makakayanan niya iyan. At Isa pa nandirito naman tayo para gabayan siya hmm, kaya wag ka ng mag-alala" dagdag niya at hinalikan ako sa noo.

"Alam ko. Para lang siyang bata kung umasta kapag tayo ang kasama ngunit alam niya na ang kanyang tungkuling bilang prinsesa noon pa man at alam kong kakayanin niya eto" nakangiting sabi ko.

Kinabukasan, araw na ng kanilang kasal at nakahanda na ang lahat ang ikakasal na lang ang wala.

"Asan na ba sila Althea?" Nag-aalalang sabi ni Gabriella.

Nandito na kasi kaming lahat sa simbahan ng Auria at oras na kanilang kasal at wala pa ang aking anak at si Alexander

"Teka hahanapin ko" Sabi ko at naglaho saka lumabas ng simbahan at nakahinga ako ng maluwag ng makitang lumitaw siya sa aking harapan at hingal na hingal.

"Ina" pagod niyang sabi at hinawakan ko naman siya sa kamay.

"Nasaan na ang mga kasama mo? At bakit pagod na pagod ka? Masisira ang suot mo" Sabi ko at inayos ang itsura niya.

Our Princess, His Queen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon