KABANATA 24

423 49 1
                                    

~~★~~

Alexander POV

Mabilis lang yung ginawa kong pagligo dahil malamig na rin. Pagkatapos ko ay bumalik ulit ako sa silid ni Vinnice, nakahiga na siya at nakatalukbong ng kumot.

"Mahal, gising ka pa ba?" Mahinang tanong ko sabay upo sa gilid ng kama niya.

"Hmmm bakit?" Tanong niya at mukhang nahimasmasan na siya.

"Sorry" Sabi ko.

"Saan?" Tanong niya at tuluyan ng naupo.

"Kanina. Pinapaligo lang kita kasi–"

"Hindi na kailangan mag sorry alam ko na kung bakit mo ako pinapaligo. Sorry hehehe" Sabi niya sabay kamot sa batok.

Napangiti naman ako.

"Matutulog ka na?" Tanong ko.

"Mukha ba akong matutulog? Nandito ka ehh pano ako matutulog" pangbabara niya saaken. Pfft.

"Sige na matulog ka na babalik na ako sa aking silid" Sabi ko sabay tayo at humiga naman siya ulit. "Goodnight,nmahal ko" dagdag ko sabay halik sa kanyang noo.

"Magandang gabi rin saiyo" sabi niya at pinikit na ang kanyang mata.

*****

Kinaumagahan magising ako ng medyo masakit ang ulo kaya agad akong uminom ng gamot.

"Woii mga pangit" tawag saamen ni Bea.

"Makapangit ka ahh ano?" Tanong ni Oliver.

"Tulog pa ba yung mga babaita?" Tanong niya habang umiinom ng kape.

"Hmm" tango namen.

"Eya!" Tawag niya sa kasambahay namen at lumapit naman agad eto.

"Ano po iyon?"

"Pakigising nga yung mga kaibigan ko sa taas. Salamat" utos niya at kumilos naman eto.

"Mga mantika matulog aba ginising ko na kanina hindi pa rin nagigising." Sabi niya

"Eto grabe ka naman ngayon lang 'yon nagsigising ng ganitong oras sinisira mo pa" Sabi sakanya ni Earl.

"Wala kang pake" mataray na sabi niya kaya napiling na lang ako.

"Ikaw kaya ang gisingin ko ng ganitong oras kapag nagpahinga ka rin. Ano kaya maramdaman mo? Eto parang ano" singit naman ni Rafael.

"Kaya nga. Ayaw mo ngang ginigising kapag kulang pa ang tulog mo, 'yon pa kayang nilasing mo kagabi. You're so unfair" dagdag naman ni Earl.

Umirap lang si Bea at tumalikod saamen. Tumawa naman yung tatlo at mayamaya lang lumapit kay Bea.

"Woii joke lang ehh hahahahahaha" Sabi ni Rafael sabay akbay sakanya.

"Wag kang iiyak ha joke lang yun, binabadtrip ka lang namen hahahahahaha" Sabi naman ni Oliver.

"Kaya nga ang seryoso mo ehh" dagdag naman ni Earl.

"Wag niyo akong kausapin" Sabi ni Bea at tumalikod ulit sakanilang tatlo.

Nakikita kong konti na lang iiyak na siya. Iyakin talaga 'to, madaling sumama ang loob niyang si Bea.

"Sa taas muna ako" Sabi niya at mabilis na naglakad pataas.

"Hala kayo nagtampo na sainyo" Sabi ni Harold.

Our Princess, His Queen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon