KABANATA 40

347 25 7
                                    

~~★~~

Erethrea POV

"Babantayan ko ho muna ang, prinsesa dito" sabi ni Alexander.

"Salamat iho. Masaya ako para sainyong dalawa" nakangiting sabi ko at binigyan siya ng yakap bago naglaho at bumalik doon.

"Glen, Lisandro. Sunduin ang pangalawang hari" utos ko.

Sila ang mga anak ni Cleopathra na siya ring nagbabantay sa ikinikilos ng ikalawang hari.

"Aleesha, tignan mo si Elijah sa kanyang silid kung naroroon" utos ko naman sa anak ni Andrea.

Siya ang palagi nameng kasakama.

(Si Aleesha yung someone's Pov)

"Sige po, tita" sabi niya saka umalis.

"Humihingi ako ng tawad sa aking pagsigaw kanina nadala-"

"Kalimutan mo na 'yon. Ang ating anak, nahihirapan akong tignan siyang nagkakaganon, gusto kong sabihin sakanya lahat ngunit hindi ko alam kung saan sisimulan dahil nag-aalala ako para sakanya. Hindi pa niya masyadong kontrolado ang kanyang mga kapangyarihan at doon ako mas nag-aalala. Gusto ko siyang bigyan ng magandang kaarawan bukas ngunit sa tingin ko ay hindi mangyayare." Mahaba kong sabi.

"Susuko-"

"Hindi tayo pwedeng sumuko, hindi pwedeng malagay sa panganib ang buhay nateng lahat" putol ko kay Andrea.

"Gumagalaw na ang hukbo ni, Elijah" sabi ni Gabriella at naupo.

"Si Elijah, kaibigan namen siyang apat noon" simula ko at tinignan si Elgion. "Mula pagkabata kasa-kasama na namen siya, galing siya sa pamilyang mangkukulam ngunit hindi namen pinansin iyon dahil ang mas pinabalagahan namen ay ang aming pagkakaibigan, hanggang sa makillaa kita. Nagkagusto kaming dalawa sayo, at noong araw na malaman kong gusto mo akong pakasalan, handa na sana akong magpaubaya noon dahil alam kong nahulog na ng tuluyan ang kanyang puso saiyo ngunit sinabi niya...

*Flashback*

"Pumayag ka na. Tanggap ko na hindi ako ang kaniyang napupusuan. Hindi ko kayang makita siyang malungkot kapag hindi ka pa pumayag, kaya sige na Erethrea"

*End Of Flashback*

"Ngunit hindi ko alam kung bakit niya ginagawa eto" kwento ko.

"Nandirito na po ang ikalawang hari" biglang litaw nila Glen.

"Tita, tulog na din po ang reyna, at mukhang himbing na himbing ito sa kanyang tulog" saad ni Aleesha.

"Magaling" Sabi ko. "Ano na ang iyong gagawin ngayon Haring Elthon?" Tanong ko sakanya.

*Flashback*

"Kailangan ko ng iyong tulong" sabi niya ng makarating rito sa aming sikretong lugar dito sa palasyo.

Mula sa kanyang palasyo may sikretong daan roon papunta rito ngunit matatagalan ka nga lang ng konti dahil lalakarin mo lang eto.

Our Princess, His Queen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon