KABANATA 7

1.3K 153 3
                                    

~~★~~

Althea POV

“Prinsesa, ayos na po ba kayo?” Tanong ni Deltha saaken habang hinihimas ang aking likod.

Napatakbo kasi siya saaken kanina ng masamid ako

“Oo ayos na ako. Pasensya na” Paghingi ko ng pasensya sakanila dahil pati sila napatigil sa pagkain. Uminom na lang ulit ako ng tubig upang maibsan ang pag-uubo ko.

“So saan nga ulit kayo natapos sa pagsasanay niyo kahapon?” Tanong ulit ni ama.

At sa pangalawang pagkakataon nasamid ulit ako sa tubig na iniinom ko. Bakit ba ayaw ni ama tigilan ang pagtanong diyan? Errrr.

Naramdaman ko lang na inaalalayan na ako ni ama patayo kaya napatingin ako sakanya.

“Paumanhin ngunit kailangan ko munang ihatid ang prinsesa sa kanyang silid, mukhang hindi maganda ang kanyang pakiramdam” Paalam ni ama sakanila.

Jusko wala naman akong sakit, sadyang apektado lang.

“Ama ayos lang ho ako. Ehem, Hindi niyo na po ako kailangang... Ehem ihatid sa aking silid. Wala naman po akong sakit” Saad ko habang inuobo parin.

“Sigurado ka anak? Mukhang hindi ka naman ayos ehh. Baka mamaya lumala iyan, mabuti na ang maagapan yan. Ako na ang mag-aalaga sayo halika na” nag-aalalang sabi ni ama.

Napangiti na lang ako, kase kahit marami siyang ginagawa hindi niya pa rin ako pinapabayaan.

(Sana all diba?)

Ikaw na naman binibini? At anong sana all?

(Oo. Ako na naman bakit may problema ka? Sana lahat, iningles lang yung lahat ehh. Ang bopols mo naman)

Ahh yun ba yun? Pero ano ang bopols Binibini?

(Find it on your own. Pigilan mo na yang ama mo at hindi iyan ang nakatakdang mangyare. Pag hindi mo pinigilan ending neto mamamatay ka sige ka:⁠-⁠) )

Eto naman. Eto na hindi na magtatanong, pipigilan na ho.

(Good monkey-ay este princess)

“Anak ba't ka nakangiti riyan?” Tanong ni ama.

“Natutuwa lang po ako dahil sa dami ng iyong gagawin handa pa kayong alagaan ako”

“Aba syempre anak kita at prinsesa ka ng kahariang ito kaya dapat kang inaalagaan ng mabuti”

“Pero ama, ayos lang po talaga ako, wala po akong sakit kaya bumalik na ho kayo roon, tapos na rin naman ho akong kumain. Sige na po tsaka andyan naman si Deltha, para umalalay saaken” Sabi ko sabay turo kay Deltha na nakasunod saamen.

Nagulat nga siya nung tumingin si ama sakanya ngunit kalaunay ngumiti rin.

Problema neto?

“Sigurado ka anak ha? Ohh siya sige babalik na ako roon. Deltha, samahan mo muna si Althea ha.” Saad ni ama

“Opo mahal na hari” sagot ni Deltha

Our Princess, His Queen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon