SPECIAL CHAPTER 2

1.1K 33 1
                                    

~~★~~

After 6 months...

Alexander POV

"Mahal! Papasukin mo na ako ohh" pagmamakaawa ko sa aking asawa na ngayo'y nasa loob ng aming silid at ayaw akong papasukin.

"Hindi! Ayoko na sayo!" Sagot niya na ikinalungkot ng aking puso.

"Mahal, naman ihh, nawala lang naman ako ng isang araw. Papasukin mo na ako please?" Sabi ko ulit.

"Manigas ka jan! Saan ka ba pumunta ha!? Mas mahalaga pa ba 'yon kesa saaken ha? Hindi mo na ata ako mahal ehh. Basta ka na lang umalis ng walang paalam... tapos ngayon uuwi-uwi ka pa... hindi ka man lang nagsabi" mahabang niyang sabi hanggang sa narinig ko ang mahina niyang hikbi.

"May susi ka ba ng pintuang eto?" Tanong ko sa isa sa mga kawal.

Nandirito kasi kami ngayon sa palasyo ng Albanya dahil hindi ko siya naabutan sa Auria.

"Eto po" abot niya saaken kaya dali-dali ko namang binuksan ang pintuan ngunit pagpasok ko nagulat ako ng biglang may lumipad na patalim na yelo sa aking harapan kaya napaiwas ako.

"Mahal–" naputol ang sasabihin ko ng may limang lumipad na matatalim na yelo sa aking direksyon kaya sa pagkakataong iyon hindi na ako umiwas at tumingin lang ng seryoso at diretso sa kanyang mata.

At nung malapit na saaken yung limang patalim na yelong iyon, bigla na lang tumigil at mayamaya lang bumagsak na eto sa sahig.

"Bakit hindi ka umilag ha!?" Galit niyang sigaw saaken. "Magpakamatay ka ba talaga ha!?" Dagdag niya kaya dali-dali namang akong lumapit sakanya ngunit nagsalita ulit siya. "Wag kang lumapit saaken, ayokong makita ka ngayon. Alis" Sabi niya.

"Mahal–"

"Wag mo akong nma mahal mahal, alis!" Putol niya sa aking sasabihin at nanglilisik ang matang nakatingin saaken. "Paglabas mo tawagin mo si, Lisandro siya ang kailangan ko" dagdag niya na mas nagpabigat sa aking dibdib.

Tumingin naman ako sa kanyang mga mata saka bumuntong hininga at malungkot na lumabas sa aming silid. Pagsara ko ng pintuan nagulat ako ng makita si Inang Erethrea.

"Ina" malungkot kong sabi at napayakap na lang sakanya.

"Hayaan mo na muna siya anak ko, ganyang talaga ang mga buntis masyadong madamdamin kaya intindihin mo na muna siya" Sabi niya at tinapik tapik ako sa likod. "Hinahanap niya ba si Lisandro?" Tanong niya.

"Opo" tanging sagot ko.

"Wag kang mag-alala wala siya rito. Ako na muna kakausap sakanya ha, magpahinga ka na muna" Sabi niya kaya tumango naman ako at bumaba na lang muna.

Buong araw niya ulit akong iniwasan at hindi niya din ako tinabihan sa pagtulog kaya ng masigurado kong tulog na siya mula sa kabilang silid, pumasok ako at tinabihan siya sa pagtulog.

Kinabukasan, nagtipon-tipon kami para mag-agahan kaya naman gumising ako ng maaga para pinaghandaan siya ng pagkain at inasikaso.

"Mahal, tubig ohh" Sabi ko at inbot sakanya yung baso pero hindi niya pa rin ako kinibo kaya ngumiti lang ako sakanya.

Mayamaya lang nakita kong ubos na ang kanyang pagkain sa plato kaya nagtanong ako sakanya.

"Gusto mo pa bang kumain mahal? May gusto ka pa bang kainin?" Tanong ko pero umiling lang siya saka tumayo at inalalayan ko naman siya patayo kasi medyo malaki na rin ang kanyang tyan at sa tingin ko nahihirapan na siyang maglakad.

Our Princess, His Queen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon