KABANATA 35

304 26 0
                                    

~~★~~

Althea POV

"Elethea" tawag ko pagbukas ko ng kanyang pintuan.

"Ano iyon, ate?" Tanong niya habnag nahihirapang itali ang kanyang buhok.

"Tulungan na kita" saad ko at inayos ang kanyang buhok. "Hindi ka na ba sinasaktan ni, ina?" Tanong ko.

"Simula ng bumalik ka hindi na" sabi niya habang nakatingin sa aken sa salamin. "Hindi niya na rin ako pinupuntahan rito, tsaka hindi niya na rin ipinagpatuloy ang aking pagsasanay" dagdag niya.

"Naturuan ka na naman namen maayos na yun" sabi ko.

"Siya nga pala ate yung Gabby–" hindi na niya natuloy ang kanyang sasabihin dahil biglang may kumatok.

"Prinsesa, ayy pasensya na Prinsesa Althea, nandito ka ho pala" sabi niya. Bakit biglang ang galang neto? "Handa na po kayong umalis" dagdag niya.

Pupunta kasi kaming bayan, bilang prinsesa kailangan kung kilalanin ang mga nasasakupan namen. Ako lang sana ang lalabas ngunit kinulit ko si ama na ipasama si Elethea. Hindi ako lagay na iwan siya rito.

"Sigurado ka ba anak na maglalakad lang kayo?" Tanong ni ama habang ang tarangkahan ay binubuksan ng mga gwardya.

"Oo naman ama, keri 'yan diba, Elethea?" Sabi ko.

"Opo ama, tsaka gusto rin namen mabisita ng maayos ang bayan, wag kayong mag-alala babatayan ko si, ate" nakangiti niyang sabi.

"Aba, ako babantayan mo? Baka ikaw ang babantyan ko. Kung saan-saan ka pa naman nagsususuot. Diba ama?"

"Hahahaha kayo talagang dalawa. Ohh siya wag na kayong magtalo, humayo na kayo. Bumalik kayo rito bago mananghalian ahh" sabi ni ama. "Bantayan niyong mabuti ang dalawang prinsesa, parehas pa naman 'yang makulit" bilin ni ama sa mga gwardya namen.

"Opo mahal na, hari" sagot nila kaya sabay kaming bumungisngis ni Elethea.

"Paalam ama"

"Anong paalam, magkikita pa tayo mamaya. Mag-iingat kayo mga prinsesa ko ha" sabi niya at hinagkan kami sa noo.

Suot ang abakang tsenelas, sinimulan na nameng maglakad. Dadaanan lang naman namen ang mapalayang lugar patungong bayan. Dito ang malapit papunta roon kaya naglakad na lang kami

"Ang ganda ng langit ate, ano?" Sabi ni Elethea sa kalagitnaan ng paglalakad namen.

"Oo nga, at tignan mo ohh tanaw na tanaw ang palasyo rito" turo ko sa palasyo.

"Oo nga, ang ganda! Bilisan na naten ate sabik na sabik na akong makapunta roon" masayang sabi niya.

"Mag-unahan tayo?" Bulong ko sakanya.

"Sige pero hindi kaya mapigtas etong suot nateng tsenelas?" Bulong niya din.

"Hindi yan, matibay 'to. Ano game?" Buling ko ulit at tumango naman siya. "Isa. Dalawa. Takbo!" Sabi ko at tumakbo na kami.

"Mga prinsesa! Wag ho kayong tumakbo aishh tara dali" rinig kong sigaw ng gwardya namen.

"Elethea, dali" sabi ko.

"Ate teka lang, mahaba ang biyas mo kaya lugi ako!" Sigaw niya habang tumatakbo kaya bumalik naman ako sakanya at hinawakan siya sa braso "Ang haba pa netong suot naten baliw ka talaga, ate" dagdag niya.

Our Princess, His Queen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon