KABANATA 45

296 19 0
                                    

~~★~~

Althea POV

"Ang ganda mo talaga, mahal ko" biglang sabi ni Alex sa kalagitnaan ng pagsasayaw namen.

Napaiwas naman ako ng tingin at pinigilang ngumiti. Ackkk! Bakit hindi ko magawang magyabang sakanya, nakakainis!

"Tigilan mo ako, Alex" Sabi ko.

"Bakit? Totoo naman ahhh" Sabi niya at nilapit and mukha sa aking tenga. "Bakit namumula ang iyong pisngi mahal ko?" Pilyo niyang bulong saaken.

Hindi ko rin siya magawang kurotin o suntukin. A-anong nangyayare!?

"Ahhh mainit kasi, iniinitan ako oo yun" iwas tingin kong sabi.

"Hahahahaha mainit? Ehh sobrang lamig nga dito tapos ganyang ang suot mo iniinitan ka pa?" Natatawang sabi niya.

"Psh. Layo-layo nga" Sabi ko at pilit na itinutulak siya palayo.

"Bakit? Gusto ko gan'to kalapit sa'yo mahal ko ehh" Sabi niya. Hindi naman ako umimik kasi hindi ko na alam ang aking sasabihin. "Biro lang mahal ko, baka mamaya magalit ka saaken ehh hahahahaha" biglang bawi niya sa kanyang mga sinabi pero hindi pa rin ako umimik.

"Mahal ko may problema ba?" Tanong niya.

"Sa totoo lang... hindi ko maiwasang isipin na sa kalagitnaan netong pagsasaya naten ay may kapalit na kapahamakan" malungkot kong sabi.

Narinig ko naman siyang bumuntong hininga.

"Nandito lang ako, kami. Hindi ka namen pababayaan huwag mo ng alalahanin iyon, kaarawan mo ngayon at dapat masaya ka" Sabi niya at pinagpalit ang aming pwesto, siya naman ngayon ang nasa kaliwa.

"Isa pa, hindi ka ba masayang nandito ako sa harapan mo ha, mahal ko?" Nakangusong sabi niya kaya napatawa naman ako.

"Arte mo, syempre oo. Sa sobrang saya ko nga gusto kitang–"

"Yakapin?" Putol niya saaken kaya natawa ulit ako.

"Hindi. Gusto kitang itago" nakangiti kong sabi.

"Huh? Bakit naman?" Naguguluhan niyang sabi.

"Bakit gusto kitang itago?" Sabi ko at inilapit ang mukha sakanya. "Kasi... ayaw kong may ibang tumitingin sa'yo na para bang gusto ka nilang hilain at ilayo saaken. Gusto ko saaken ka lang at wala ng iba, papayag ka ba doon?" Nakangiti kong sabi habang magkalapit ang aming mga mukha habang sumasayaw ng dahan-dahan.

"Kung ganon..." Sabi niya at binitawan ang aking kamay at lumayo ng konti saaken kaya naman huminto kami sa pagsasayaw at tumitig na lamang ako sakanya ng ilang hakbang ang layo saaken.

Hindi pa rin huminto ang tugtog at patuloy itong nagmumutawi sa aming mga tenga, napagandang tinig. Napatingin naman ako doon sa kamay niyang ng may hinugot siya mula sa loob ng kanyang damit.

I wanted some one like you
Someone that I could hold on to
And give my love until the end of time

Biglan naman akong nakarinig na may kumanta, ngunit na kay Alex pa rin ang aking paningin.

"Althea Vinnice Willoughby, mahal. Ikaw Ang pinakamagandang babae at prinsesa na bumihag sa aking puso. Tanggap ko kung ano ka at kung sino ka, mamahalin kita habang buhay. Gusto kitang makasama magpahanggang wakas kasama ang ating magiging pamilya..." Sabi niya at unti-unti ko naman naramdaman na may luhang pumapatak sa aking mata ng unti-unti niyang buksan ang maliit na kahon na kanyang hawak.

Our Princess, His Queen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon