KABANATA 17

565 58 3
                                    

~~★~~

Althea POV

Matapos naming kumain hinatid naman kami sa kanya-kanya naming silid sa taas netong bahay.

“Eya, yung mga damit nila pakihanda na lang ha. Salamat” Sabi ni Dalla sa aming tagapagsilbi.

Pumasok na ako sa aking silid at namangha sa aking nakita, ang ganda. Napakaganda ng mga kulay, ang mga palamuti sa paligid sobrang naaakit ang aking mga mata.

“Prinsesa Althea, maligo na ho muna kayo andoon po ang banyo” Sabi ni Eya saaken at tinuro ang banyo. "Maligamgam na ho ang tubig na inyong ipampapaligo, at kung may kailangan ho kayo tawagin niyo lang po ako." Dagdag niya kaya pinasalamatan ko naman siya bago ako pumasok sa loob ng banyo.

Grabe sorbang kakaiba ang mga desenyo ng mga bahay dito kesa sa palasyo. Sinimulan ko ng maligo dahil ang lagkit-lagkit na ng pakiramdam ko.

Ilang minuto lang ang inilagi ko sa banyo at lumabas na din ako. Malamig na ehhh. Nakita ko naman si Dalla na nakaupo sa kama ko paglabas ko at napangiwi ng makita ang hawak niya.

“Anong klaseng damit iyan? Ginupit ba 'yan?” nakataas na kilay kong tanong.

Bakit ganon ang itsura non?

Beatrice POV

“Anong klaseng damit iyan? Ginupit ba 'yan?” Tanong ni Avie.

Tch ignorante.

“Shorts at t-shirt at eto” sabi ko sabay taas nung shirt na hawak ko. “Hindi yan ginupit disenyo yan. Gaya nung pinasuot namen sa'yo nung nasa palasyo pa tayo” Sabi ko.

“Bakit parang ang ikli ata?” Tanong niya. “Mas maikli pa 'yan doon sa pinasuot ni'yo saaken nung isang araw ehh” dagdag niya

“Suot mo na 'wag na maraming reklamo dali” sabi ko at itinulak ulit siya pabalik ng banyo.

“Alam mo naman siguro ang unahan at likod niyan ano?” Tanong ko.

Baka mamaya malito. Hindi na niya ako sinagot at sinarado na niya yung pinto. Ayy attidute si ghorl.

Alexander POV

Andito na kami ngayon sa maliit na sala ng ikalawang palapag ng bahay at nakasuot ako ngayon nung tinatawag nilang sando at short shorts daw.

Medyo hindi ako komportable pero kailangan kong sanayin ang aking sarili, isang linggo rin kami rito kaya kailangan.

“Asan na ba si, Beatrice at Thea?” Tanong ni Anitha.

“Ayan na sila ang tagal ahh muntik na kaming makatulog” Biro ni Earl.

“Ehh eto kasing si Avie ayaw niya daw netong short, ehh maganda naman sakanya diba?” Sabi ni Bea.

Napalingon naman ako sakanila at naaasiwang binababa ni Vinnice ang short na para bang gusto niyang matakpan ang kanyang binti.

Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Bagay naman sakanya yung suot niya at talagang napakaputi ng kanyang balat. Bagay rin sakanya ang suot niyang tsinelas. Ang ganda niya, lalo siyang tumangkad sa suot niya.

Our Princess, His Queen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon