xx3: First Met

63 3 0
                                    

After ng nangyari, agad akong umalis para mag pahangin at mabawasan ang pag ka stress ko. Pare pareho lang naman silang nang iiwan sa ere.

Tapos na pala ang flag ceremony, at panigurado nasa kanya kanyang kwarto na ang mga istudyante.

Wala akong balak pumasok sa room ko. Habang naglalakad ako sa garden malapit sa covered court, nakakita ako ng bench kung saan walang tao ang naroroon at agad naman akong pumunta at umupo.

Tumingala ako at pinag masdan ang nag gagandahang kalangitan. Minsan naisip kong sana mamatay na lang ako at mapunta na lang sa langit, tutal doon paniguradong lahat nagmamahalan.

Habang pinag mamasdan ko pa ang kalangitan, nakakita ako ng parang isang bulalakaw na sa umaga nag eexist. Natuwa ako sa nakita ko kaya napapikit ako at humiling.

"Sana sumaya naman ako..." Bulong ko iyan sa sarili ko.

Pero.. May narinig akong sigaw ng isang lalaki.

"Ale! Yung bola!"

Bigla akong natauhan at napadilat ako, ano daw?! Ale?! Sinong Ale?!

Akala ko'y bulalakaw na yun pala isang bolang pabagsak sa mukha ko.

Mabilis ang pangyayari kaya ayun.

"HEAD SHOT!" Sigaw ng kaninang lalaki.

Sobrang sakit ng mata ko, nakaka asar! Hindi ko maidilat ito.

Pinilit ko pa ring idilat ang mata ko, pero naabutan ko na lang na nakuha na nya ang bola at agad kumaripas ng takbo palayo.

"Aba't! Hays." Napayuko na lang ako sa sobrang inis.

Hindi ko alam, feeling ko, ako ang pinaka malas sa lahat ng malas.

"Use this."

May nakita akong panyo na naka bandera sa mukha ko, agad akong tumingala at..

"Ha?" Sabi ko sa lalaking nasa harap ko.

"I think you need this" At muli, binibigay nya sa akin yung panyo nya na kay ubod ng bango.

Kinuha ko to ng hindi inaalis ang mga titig ko sa kanya.

Umalis agad siya ng kunin ko yung panyo.

Napaka inosente ng mukha nya, ang amo pa. Ang bango bango nya, mukha siyang perpektong tao sa mundo. Kahit ang cold nya mag salita, kahit walang expression ang kanyang mukha. Mukha pa rin syang anghel.

Tinitigan ko lang ang kanyang likod habang paalis sya.

Ng mawala na sya sa paningin ko, yung panyo nya naman ang tinitigan ko.

"Sayang.. Di ko manlang natanong pangalan mo, maraming salamat" bigla akong napangiti pag tapos kong banggitin ang salitang iyon.

Tumayo na ako at nag lakad lakad sa court. Nakakita ako ng pinag kakaguluhan ng mga ilang istudyante.

#MIGWattpadPresent

My Imperfect GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon