First of all, reader's I need your common sense, enjoy the story, imagine well. Live. Laugh. Love! ♥
#MIGWattpadPresent
xxx
Juri Alcantara
Tristan Smith
Paul Cyrus
Lina Cruz
Roa Arellano
xxx
Prologue
xxx
Wala naman akong hinangad kundi ang maging masaya, kaso kung ano pa ang ikakasiya ko, sya namang wala.
Pamilya. Sila ang kailangan ko ngayon, ang hirap mabuhay ng walang pamilya, walang magulang, walang kapatid, walang karamay, walang kasama.
Bakit sa dinami daming tao sa mundo, ako pa ang napili maging alone dito?
Kahit anong pilit kong maging masaya, magpakasaya at magpasaya, dadating din sa puntong maiisip ko na saglitan lang yan at hindi sila permanente.
Sino ba naman kasi ako para maging masaya? Eh isang nerd type, payatot, morena, maliit, makapal ang kilay, dalawang likod, for short PANGET!
Halatang halatang hindi ako perpekto, wala na ngang pamilya, sinakluban pa ng langit at lupa ang mukha. Hays.
Ako yung tipong di sumusuko, alam ko balang araw magiging masaya din ako..
By the way, ako si Juri Alcantara, pangalan lang maganda sakin. Nakatira ako sa bahay malamang, sa lugar kung saan bahay ko lang nakatira, alone nga eh! Mayroon akong kasama sa bahay, si Botchok, yung asong kalye na ngayon tinuturing ko ng kapatid.
-
•Juri Alcantara•
"Arf! Arf! Arf!"
"Letse! Botchok! Ang aga aga pa!"
"Arf! Arf! Arf!"
"Botchok! Tama na! Tatayo na ko! Stop it!"
Patayo na sana ko kaso biglang lumundag sa higaan ko si Botchok, sabay dinila-dilaan yung mukha ko.
"Yaaaaak! Botchok ang baho ng laway mo! Yaaak!!!!"
Tumayo na ako sa hinihigaan ko atsaka ko tinignan si Botchok.
"Arf! Arf!" Pagtatahol ni Botchok.
"Alam mo.. Ang cute mo pala" habang hinihimas ko yung ulo ni Botchok.
"Pwede ka ng pampulutan mamaya"
"Grr! Arf! Arf!"
atsaka ko tumakbo papuntang c.r. sa kadahilang alam ni Botchok ang ibig kong sabihin.
Nakalipas ang ilang minuto, naligo at nagbihis na ako ng uniform pang eskuwelahan, at umalis na ako, walking distance lang naman yung school na pinapasukan ko, kaya yun, di naman halata sa naglalakihang muscle ko sa binti kung gaano kalapit.
First day of class.
"4th year na ako! Sa wakas! Ilang buwan na lang at makakalaya na ako sa paaralang ito!"
Ini-stretch ko yung kamay ko at tumingala habang sinisigaw yan sa covered court ng flag ceremony.
"Ew, weird dumb girl"
Sabi ng babaeng mukhang maarte.
"Girl, I think she's crazy"
Sabi naman nung baklang maarte.
"I think, both. Hahaha!"
Sabi naman nung lalaking mukhang baklang maarte.
Atsaka sila nag tawanan, ako, as usual tinititigan sila habang iniisip kung bakit nila ko pinapakealaman.
"Excuse me, bakit kayo tumatawa? Ako ba tinatawanan nyo?"
Tanong ko sa kanila.
"No, no, no, dear. Look kumakanta tayo ng Lupang Hinirang at imbis na yung kamay mo nasa kaliwang dibdib mo, eh tila nag uunat ka pa. Hija, go to the principal's office, right now"
Sabi nung gurong lumapit sa amin.
"Ahhhh"
Yan lang nasabi ko, tapos inayos ko na yung bag ko, atsaka dumeretso na sa office.
Nilingon ko uli sila, lahat sila nakatingin sakin, ang weird.
Bigla na lang akong nasubsob sa baba at inalalayan naman ako ng isang mala anghel na guro.
"Ayan! Kagagahan mo! Nasubsob kana! Sino ba kasing nag sabing sa stage ka dumaan! Nakaka istorbo ka hindi mo ba alam yun?!"
Inangat ko yung ulo ko para tignan tong mala demonyo pala ang ugali. Kinuha ko na yung salamin kong nabali atsaka sinuot.
Teka.. Kaya pala nakatingin ang mga istudyante sakin, kasi sa stage ako dumaan e! Hahaha. Akala ko naman lahat sila kinasusuklaban na ako dahil lang sa paguunat ko kanina.
Ng makapasok na ako sa principal's office, at ng makita ang lalaking nakatalikod, agad akong lumuhod at nag makaawa.

BINABASA MO ANG
My Imperfect Girl
RomanceMakakahanap ba si Juri ng pag mamahal ng isang magulang? At kanino kaya mai-in love si Juri? Kay Paul ba na isang cold na tao o kay Tristan na makulit? Find out and read My Imperfect Girl na isinulat ni Ate Gatchi!♥