xx6: Break

32 3 0
                                    

Nilingon ko si Paul, kung mag bebreak ba siya at sasabay na lang ako sa kanya, pero naka subsob lang yung mukha niya sa desk, si Lina naman nakatitig lang kay Paul at mukhang ayaw mag pa istorbo. Sinubukan kong ayain tong katabi ko, na busy sa pagbabasa. Kaso di man lang ako imikan.

No choice at gutom na gutom talaga ako, kaya tumayo na lang ako at lumabas.

Pumunta ako sa kabilang canteen, kung saan walang masyadong pumupunta at bumibili dahil daw sa madumi ang mga pagkain doon.

Agad akong kumuha ng dalawang tinapay at mineral na tubig.

Pag katapos ma compute ng babayaran ko, kumuha ako ng bente sa wallet ko, which is bente lang talaga ang laman nito.

Binalik ko yung isang tinapay kasi kulang ng sampung piso yung babayaran ko, kaso pagka lapag ko pa lang ng tinapay sa dati niyang lagayan, biglang nag salita yung tindera.

"Hep! Bawal na isauli, akin na yang bayad mo!"

Iniabot na niya yung kamay niya para kunin ang bayad ko.

"Pero ate.. Bente lang po pera ko, wala akong pambayad sa sobra"

"Aba't! Grade 7 ka pa lang at marunong ka ng mag 123! Anong pangalan mo at ipapadala kita sa guidance!"

4th year po ako, mukha lang grade 7.

Halos iduro niya ko, natatakot ako.. Gusto ng kumawala ng luha ko. Nanginginig na yung katawan ko, pinag titinginan din kami ng ilang taong nag titinda roon.

"Eto yung bayad sa kulang niya."

May lalaking nag abot ng isang daan piso sa tindera at agad namang kinuha iyon at sinuklian.

Bakit niya ba to ginagawa sa akin? Bakit ang bait niya sakin? Hindi ko na alam, ano ba talagang kailangan mo sakin Paul Cyrus?

Pag ka bigay ng sukli, umalis na siya at may dala din siyang pag kain na sa tingin ko ay sa main na canteen niya binili. Pumunta siya sa lamesa na may lima na upuan.

Lumapit ako at umupo din sa bakanteng upuan na may isang pagitan samin.

"Bayaran ko na lang bukas yung utang ko sayo, at salamat pala, ulit."

Hinalo halo niya lang yung pag kain niya, at nag simulang sumubo at nguyain ito.

Binuksan ko na din yung tinapay at kinain ito.

Walang kumikibo sa amin.

Dumating si Lina na hingal na hingal pati na rin si Roa na hatak hatak ni Lina.

"Haaaaaay! Nandito ka lang pala Juri! Kanina ka pa namin hinahanap, hindi ba Roa?" Siniko niya si Roa at um-oo naman ito.

Lumapit si Lina ng nakatingin lang kay Paul, agad na tumabi si Lina kay Paul, si Roa naman tumabi sa akin. Yung isang pagitan samin ni Paul, bakante pa din.

Lumingon si Lina sa paligid, at may tinawag na tindera. Lumapit naman ito at tinanong kung ano gusto niya.

"Ate Cecil! I want, spaggetti too."

Sumangayon naman yung tindera at muling tinawag ni Lina ito.

"Teka ate Cecil! Roa, ano gusto mo? Dali. Treat ko."

"Ha? Ano.. Chicken with rice na lang"

At umalis na yung tindera.

Napunta sa akin yung tingin ni Lina. Parang nababasa ko yung nasa isip niya, na kung bakit kami mag kasama ni Paul.

Iniwasan ko na lang yung tingin niya at nag focus sa kinakain ko.

Nang dumating na ang pag kain nila Lina at Roa, agad na binayaran ni Lina ang tindera.

Kumain lang kami ng tahimik, ng matapos na kaming kumain, biglang nag salita si Lina.

"Oo nga pala, ng pag ka baba namin ni Roa, may naririnig akong balita na dumating na daw yung anak ng principal."

"And, classmate natin siya" sabat ni Roa.

Anak ng principal? Yun ba yung nasa litrato? Magiging kaklase namin?

Loading...

Ng mag sink in na sa utak ko ang pinagsasabi nila. Biglang tumayo si Paul at umalis na.

"Hoy Paul! Saan ka pupunta?" Tanong ni Lina na akmang tumatayo.

Hindi siya sinagot ni Paul, kundi tinaas niya lang yung kamay niya na tinuturo yung taas.

"Ah, tara akyat na din tayo!" Sabi ni Lina sa amin ni Roa, at tumakbo na siya palapit kay Paul.

Tumayo na din kami at sinundan sila.

#MIGWattpadPresent

My Imperfect GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon