xx2: Office

129 4 3
                                    

"Sir please wag nyo po ako i drop out! Napakaganda po dito, kahit ayoko sa mga tao dito! Ang gaganda ng rooms kahit napakainit at masikip! Ang gaganda ng teachers kahit yung iba mukhang paa, basta maganda na sila! Wag nyo lang po akong patalsikin! :(((("

Naka luhod at mangiyak ngiyak kong sinabi yan.

"Ah ineng, wag ka ng umiyak dine, parating na yung principal ay! Baka mayari ako, baka sabihin nag paiyak ako ne"

Sabi nitong panot na nasa harap ko.

Agad ko naman syang binigyan ng 'what?-look'

"Ahhh. Janitor po ako dito, sige ne at makaalis na ko, galing mo! (With good job sign)"

Umalis syang naka luhod parin ako habang iniisip yung kadramahang ginawa ko.

Tumayo agad ako, at pinagpagan ko yung palda ko. Umupo ako sa malambot na upuan atsaka trinavel ko yung mata ko sa buong office.

Tambayan ko kasi dati guidance, ngayong taon lang ako nakapunta sa principal's office.

Puro school supplies lang naman nakikita ko, pero na istock yung mata ko sa isang naka frame na family picture.

Nakakainggit.

Iniimagine ko na ako yung anak na nasa gitna.

Kaso ang layo ng istura, ako panget, tapos yung anak na nandun, pogi.

Pogi?

Ang pogi nga! *0* mala Lee Min Ho ang peg! Ang tangos ng ilong, napaka puti, ang kinis ng balat, color grey yung mata..

Juri's mind: "ganyan naman parati pag bidang lalaki e, almost perfect, tss. Hindi na nasanay. -_-"

Ang epal ng utak ko, kitang enjoy na enjoy ko yung pag dedescribe kay pogi e. So, ayun nga, ang pogi nya, love at first sight na yata ito!

"Ehem. Please keep distance"

Hindi ko namalayan, sa sobrang gwapo ng nasa harap ko, nandito na pala ang papa ko, este ang principal.

Tinaasan ko ng dalawang beses ng kilay yung principal, di ko alam, lutang pa rin ako sa yakap kong napalaking litratong ito.

"Napaka gwapoooooo.. Hehe.. Hehe.."

Tila nailalabas ko na lang ang mga salitang iyan sa aking bibig habang nakatitig sa litrato.

*BOGSH!!!*

Napalundag ako sa sobrang lakas ng pagkapalo sa upuan ng gurang na to.

"Ano bayan, nasira na pag de-day dreaming ko. Minsan na nga lang umibig, hinahadlangan pa."

Bulong ko sa sarili ko, pero parang hindi na ata bulong kasi narinig ata at nakasimangot na tong si tanda sa akin.

"Anak ko yang minamanyak mo."

0_____0

Hindi ako nagulat sa sinabi nyang anak nya, kundi dahil sa sinabihan nya akong.. What the?!

"Sir! Aminado akong manyak ako, pero please lang di nyo na kailangan i-remind, alam ko na po yun, konting respeto naman sir."

Tila nagulat sya sa aking inasta at mga nabanggit.

"Pasensya na hija, nabigla lang ako sa nasabi ko."

Hahaha kita mo to, bobito din pala.

"Napakarami mo ng records sa guidance, isa pa kalat na kalat ang pangalan mo dito sa Smith Academy" sabay sya umupo at kinuha ang librong nakasaad doon ang mga records ko.

Tinitigan ko sya ng deretso ng nakatayong tuwid sa harap nya at sinabing..

"Ang mababait pag pumatol sa masama, sa huli sila pa nagiging masama"

Napatigil sya sa pag lilipat ng pahina ng libro at tumingala ng kaunti upang pantayan nya ang pagkakatingin ko sa kanya. Pero agad nyang ibinalik sa libro ang pag tingin nya.

"Ako lang naman mahirap dito diba Mr. Smith? Kung matino kayong tao, kung edukado kayo, alam nyo kung ano nararamdaman ko dito, dito sa eskuwelahan mo, ang mahirap, inaapi!"

Wala na naman ako sa sarili ko, iniisip ko isa na akong artista pag tapos nito. XD

Parang wala siyang pakealam sa ginagawa ko, nagbubuklat pa rin sya ng pahina, pero mukhang wala namang hinahanap, at tila umiiwas sa usapan.

"Hindi ko naman ginusto tong paaralan na to, at wala akong balak magaral kasi wala na akong kwenta, taga bantay lang ako ni Botchok"

Hindi ko maiwasang umiyak. Bumubuhos na ang mga luha na nanggagaling sa mga mata ko.

"Naalala nyo ba dati *sniff*"

Patayo na syang alalang alala ang nasa mata nya, pinigilan ko syang tumayo gamit ang kamay kong sinesenyasan syang umupo at makinig na lamang.

Agad naman nyang sinunod ito.

"Yung dati, sabi mo.. *sniff* ituturing kitang ama.. Poprotektahan mo ako.. Sabi mo.. Di mo ko hahayaang masaktan.. Yang mga pangako mo, nakalimutan mo na ba? *sniff*"

Kitang kita kong naguguluhan na siya kaka isip sa mga sinasabi ko. Napaluhod na lang ako bigla na tila sobrang bigat ng naramdaman ko sa narinig ko.

"Sorry, hindi ko alam yang sinasabi mo" atsaka sya umalis. Dinabog nya pa yung pinto bago umalis. Grabe!

Sabi na eh, mga mayayaman talaga wala ng puso! Alam kong alam nya yun.

Naalala ko pa dati pag ginuidance ako ng mga kaklase ko, siya ang magulang na sinusulat ko at pinapatawag nila.

Flashback

"Juri Alcantara, huh?"

Nasa guidance office kami ngayon, habang nakaupo, kaharap ko tong bruhang tabachoy na kanina pa tinititigan ang difference between sa pangalan namin ni Mr. Smith.

Ang kaso ko ngayon ay ang pag tulong sa kaklase kong na bully. Kaso yung na bully, ang ipinarating ako ang nang bully. Goodness, sana pala hindi na ako tumulong at binully ko na lang talaga siya.

"Ang sabi ko, pangalan ng parent hindi pangalan ng principal" agad nag salita si taba at ibinalik sa akin yung papel at tinuro turo nya yung pangalan na nilagay ko.

"Ayan po talaga ang tatay ko, ma'am taba"

Mahina lang yung pagkasabi ko ng 'taba' kaya hindi ako napansin.

Ilang minuto pumunta na agad yung principal sa guidance kasama ang ilang guro.

Tumayo si taba, at tumayo na din ako na nag a-act na lumilindol, kaya naman nakatingin sa akin lahat ng tao sa office, lalo na si taba parang kakainin na nya ako ng buhay dahil sa ginawa ko.

Nag peace sign na lang ako sa kanila.

Ibinalik na nila yung tingin nila sa principal at nag "good morning"

Tinignan ako ng principal at tumingin uli kay taba.

"Wala akong kinalaman dito, hindi ko siya kilala"

Atsaka na sya umalis kasama ang ilang guro. Wala akong nagawa kundi pakinggan ang tawanan ng mga gurong to.

"Siguro nga nakalimutan na nya" ayan na lamang ang nasabi ko sa panahong yun.

End of Flashback

#MIGWattpadPresent

My Imperfect GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon