Pag ka alis ni Mrs. Cruz, nagsitayuan na yung mga kaklase ko at nag sisihanap na sila ng kilalanin nila. Ako naman, nakaupo lang at naghihintay ng lalapit, kung mayroon man.
Yung Ms. Loocy at yung mga alagad niya, pumunta sila sa mga lalaki, at ni isa hindi nila pinapalagpas. Pag pangit o hindi nila type yung lalaki, mag papakilala pa rin sila pero hindi in a way na 'landi accent' na gaya ng pag papakilala nila sa mga gwapo o may itsura.
Yung katabi ko sa kaliwa naman, natutulog lang. Ayokong gisingin at baka sabihin na naman nila, feeling close ako.
Si Paul naman nang e-entertain ng mga lalapit sa kanya kaso ang cold niya pa din kausap, pero yung mga babaeng lalapit sa kanya kinikilig kapag nag salita siya.
Nung una, akala ko walang lalapit sa akin, hanggang sa may lumapit sa aking napaka ganda, mahaba ang buhok, color brown iyon, at namimilog ang matang kulay itim, ang puti puti niya, matangkad, at parating nakangiti.
"Hi! Ako nga pala si Lina Cruz. At Ikaw si?"
"Ah.. Ako si Juri, Juri Alcantara."
At inabot niya yung kamay niya.
"Ew Lina! Hindi ka dapat lumalapit diyan at makikipag kamay diyan! Napaka dungis at ang baho baho niyan eh!" Sabi nung Ms. Loocy.
Napaka demonyita talaga nun, anak ata ni Lucifer yun eh.
Hinarap ni Lina si Loocy at lahat ng atensyon ng mga kaklase ko na sa kanila na.
"Hey Loocy, sa sobrang dungis ng ugali mo, nakikita na ng ibang tao yang bahong taglay mo"
Grabe, ang taray pala ni Lina, pero in a way na ang ganda pa din niya. Halatang gulat na gulat si Loocy sa sinabi ni Lina sa kanya. Mag sasalita na sana si Loocy kaso nag salita uli si Lina.
"Wala akong pake sa sasabihin mo, at lalong wala kang pake sa ginagawa ko"
Ngitian siya si Lina at inirapan lang siya ni Loocy at umalis na, yung mga lalaki naman yung mukha nila halatang pinapantasya si Lina.
At muli, inabot ni Lina yung kamay niya at nakipag shake hands na ko sa kanya.
"Thank you" sabi ko sa kanya.
Nginitian nya lang ako, at tumingin siya sa likod ko, actually kay Paul. Bigla siyang nag blush, at halatang halata kasi napaka puti niya.
Tinignan ko si Paul, wala pa ring expression sa mga nangyari. Bumalik na si Lina sa likod at tumabi kay Paul, mag kasunod kasi sila ng surname. Cruz at Cyrus.
Yung katabi ko naman nagising na.
"Waaaaaaah! Grabe, ano ng nangyari?" Habang kinukusot niya yung mga mata niya.
Tanong niya sa akin at sinabi ko naman lahat simula nung sa pangalan ng adviser at hanggang ngayon.
"Ah, ako si Roa Arellano" at ngumiti siya ng kalapad lapad.
Siya pala yung babae kanina sa baba, yung nag sabi kay Loocy na kaklase nila ako.
"Hi" yan na lang sinabi ko dahil nag iingat ako dahil alagad to ni Loocy.
Dumating naman si Mrs. Cruz at umupo na, nagsibalikan naman yung mga kaklase ko sa kanya kanyang upuan.
"Ang ingay nyo na ah, at mukhang magkakakilala na kayong lahat. Okay.. questions? Topics?"
"Ma'am ka ano ano niyo po si Lina Cruz?" Tanong nung lalaki.
Tinignan ko si Mrs. Cruz at oo nga, hawig na hawig sila.
"Anak ko siya. Hihihi." Atsaka tumingin kay Lina at nag peace sign.
Si Lina naman nag smirk lang ng nakangiti.
"Wow!" Sigaw ng mga kaklase ko.
Hindi na ako mag tataka kung bakit ang ganda ni Lina sa ina pa lang alam na.
"Eh Ma'am! Sino po asawa niyo?" Sabi naman nung isa kong kaklase.
"Wala.."
"Yun oh!"
"Aw pwede!"
Ang mga lalaki talaga, kung anong kalokohan pinag sasabi. Ibig sabihin pala, walang ama si Lina.
"Tinatanong kung sino tapos yung sagot, wala. Yung totoo mama?" Lumingon ako sa bumubulong na si Lina, nag smirk uli siya nung tinitignan niya yung mama niyang ini-entertain yung mga kaklase namin.
Ang cute ni Lina tuwing ngumingisi siya.
Mga ilang minuto din ng matapos ang klase kay Mrs. Cruz, actually whole day kami ngayon na kasama ang adviser, at sa susunod na araw na lang magiging regular ang klase.
Nang mag ring na ang bell para sa aming break, ang mga babae nag si labasan na ng mga kani kanilang make up kit, at bumaba na, ang mga lalaki ay bumaba na din.
Tanging ako, si Roa, Lina at si Paul na lang ang natitira.
#MIGWattpadPresent

BINABASA MO ANG
My Imperfect Girl
RomansaMakakahanap ba si Juri ng pag mamahal ng isang magulang? At kanino kaya mai-in love si Juri? Kay Paul ba na isang cold na tao o kay Tristan na makulit? Find out and read My Imperfect Girl na isinulat ni Ate Gatchi!♥