x11: Mr. Smith

24 2 0
                                    

Kinabukasan.

Pag gising ko, "Waaaaah! Thank you Lord for this day!"

Ang ganda ng araw ko ngayon! Paano ba naman paulit ulit pumapasok sa isip ko na namimiss ako ni Tristan.

As usual, si Botchok ang bumungad sakin.

Weekend pala ngayon, at kasalukuyang sabado.

Naligo nako at nag suot ng ¾ na short at ¾ na damit.

Lumabas na ako at sinama ko si Botchok, tutal pwedeng ipalantaran si Botchok dahil isa siyang lahing beagle.

Pumunta kami sa park, habang hawak hawak ko si Botchok, todo naman siya sa pag hatak sakin, at dahil parang papel ako at mas malakas si Botchok sakin, bigla siyang tumakbo ng malakas at ako naman ang humabol sa kanya.

"Botchok! Wait!"

Nakita kong umi-stop siya sa isang place na kung saan may lalaking nakaupo sa isang bench doon.

Lumapit ako, at tinawag si Botchok.

"Ang cute naman ng aso mo.." Habang hinihimas niya yung ulo ni Botchok.

Himala at umamo si Botchok. Kadalasan ayaw nito sa ibang tao eh.

"Mauna na ho kami, Mr. Principal" kinuha ko yung tali na nasa lapag at sinimulang hatakin ito.

Hindi ko alam kung bakit naroon siya. Siguro, kasi malapit ang school nila at ng park.

Tumalikod na ako at akmang aalis na ng magsalita si Mr. Smith.

Narinig ko ang yapak ng paa niyang tumayo atsaka siya nag salita.

"Sorry sa mga nagawa ko sayo"

Hays.

Taksil na mata to! Naiiyak na naman ako. Naalala ko kasi yung mga pinaggagagawa niya sakin eh.

Hindi ko pinahalatang umiyak ako kaya, nag lakad na lang ako papalayo, hanggang sa makauwi.

xxx

Julian Smith

Naalala ko pa noon nung una kaming magkita...

Kamukhang kamukha niya si Cecilia...

Flashback

Another month, another year..

Another smile, another tear..

Another summer and winter too..

But can never be another one like you..

....

Gabing iyon, ng maguwian ang grade 7, lumabas ako at pumunta na sa parking lot na kasalukuyang nasa likod lang ng Smith Academy.

Nakita kong butas na ang mga gulong ng aking sasakyan at basag na ang mga salamin nito. Puro gasgas nadin ang ibang parte ng kotse.

Hindi ako makagalaw sa sobrang gulat at takot.

Bakit nila to ginawa? At sino kang gumawa nito?

Nakita kong may lumabas sa likuran ng sasakyan.

Lima sila, at mukhang nag aaral sa Smith Academy dahil nakasuot pa sila ng kanilang uniporme.

May mga kanya kanya silang hawak na patalim na ginamit nila sa pagsira ng kotse ko.

"Dahil sa ginawa niyo, mapipilitan akong patalsikin kayo sa paraalan ko." In authority tone.

"Hindi lang kotse sa susunod ang mawawasak sayo.."

Biglang tumawa ng mahina yung bata.

"Malay mo.. Anak mo na ang kasunod."

Aba't?!

Hindi ako nakagalaw sa sinabi niya, napaka bata niya pa para sabihan ako ng ganon.

Pero seryoso sila. Kitang kita ko sa mga mata nila ang galit sa isang tao.

Nakatulala lang ako hanggang sa makaalis sila.

Si Tristan ba ang tinutukoy nila? Ang nag iisa kong anak.

Agad akong pumasok sa kotse at sigaw ang pangalan ng anak ko.

Nakita ko siyang yuping yupi na nakatago sa ilalim ng upuan.

Naawa ako sa itsura niya ngayon..

Bata pa siya para makaranas ng ganon..

Napaka bata niya pa para mapahamak..

Inalalayan ko siya tumayo, habang ramdam na ramdam ko yung takot niya dahil na din sa pangangatog ng kanyang katawan.

Mga ilang sandali, umiyak na ito.

Nakaka awa talaga siyang tignan, yinakap ko na lang siya at pinatahan.

End of Flashback

Pag uwi ko ng bahay galing sa park, agad akong pumasok sa kwarto at nakita kong nakahiga roon si Cecilia.

"Hi honey, welcome home. Ang aga mo ata?"

Hinalikan ko lang siya sa labi niya at nag salita.

"Lagi mong isipin na mahal kita, mahal na mahal kita"

Yinakap ko siya na para bang ayoko siyang mawala.

#MIGWattpadPresent

My Imperfect GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon