•Juri Alacantara•
Huminto kami sa may garden, kung saan dati akala ko may bulalakaw, yun pala bola.
"Ano ba?!" Hinatak ko yung kamay ko na hawak hawak niya.
"Ang taray naman nito. Akala mo kagandahan.." Nag pout pa siya. Psh.
"Ano ba sasabihin mo ha?"
"Ang cute mo"
Ekkkkkk.
"Naniwala ka naman! Ang pangit pangit mo kaya!" Then he smirk.
Boset na yan! Akala ko pa naman. Hays.
Teka.. Naiihi na ako.. Dulot ata to ng pag takbo namin ng mabilis.
"Nauuhaw ka ba?" Tanong ko sa kanya.
"Ah.. Oo, bakit? Treat mo ko? Haha!"
"Oo, sakto naiihi ako." Sabi ko, with pagewang gewang.
Hindi ko na kaya, kaya tumakbo na ko papuntang c.r. malapit lang naman ito, iniwan ko siyang tulala at sa tingin ko loading pa rin sa kanya yung sinabi ko.
Ng makapasok nako sa isang room na may cubicle, may naririnig akong mga babaeng kakapasok lang ng c.r. at nag uusap.
"Grabe! Ang gwapo talaga ni Tristan noh? Bakit kaya siya bumalik dito? Dati kasi nung 2nd year, umalis siya tapos ngayong 4th year, nag enroll uli siya at yun class A siya." -girl 1
"Swerte ng class A noh? Pangarap ko doon eh, naroon kasi si Paul, siya ang bias ko!" -girl 2
"He! Shatap! Mas gwapo si Tristan!" -girl 1
"Playboy kasi si Tristan eh. Si Paul naman, napaka misteryoso, panigurado nililigawan na nila si Lina, yung idol ko!" -girl 3
Sikat na sikat sila sa school na to. Feeling ko, gugulo yung buhay ko pag sumama ako sa kanila.
Lumabas na ako para mag hugas ng kamay, narinig kong nag bulungan yung mga babae.
"Gahd, yan daw yung malandi sa class A. Nilalandi nila si Tristan and Paul." -girl 1
"Balita ko pa, parati sila nag aaway ng idol ko, dahil kay Paul" -girl 3
"Ew! Maka alis na nga dito!" -girl 2
At yun, umalis na sila, napatigil ako sa pag huhugas ng kamay, bigla bigla kasing bumuhos yung luha ko.
Sinasabayan ng pag bagsak ng tubig sa gripo yung mga luha ko.
Ano ba tong nangyayari sakin..
Unang araw pa lang..
Parang hindi ko na kaya..
Sobra sobra namang kamalasan to..
Sa totoo lang, tumagal talaga ko sa banyo, at wala na kong balak lumabas pa at mag pakita sa mga tao.
Hindi naman totoo yung pinag bibintang nila eh.. Pero nasasaktan pa din ako.. Kasi pangalan ko ang nadudungisan eh..
Mag didilim na pala. Napagdesisyon ko ng lumabas ng banyo at kunin ang bag ko, tutal kanina pa ang uwian.
Palakad na ko, nakayuko lang. Ng madaanan ko yung bench na inupuan ko ng humiling ako sa isang bulalakaw na bola pala..
May napansin akong nakaupo.
Paunti unti kung tinignan yung nakaupo.
Laking gulat ko ng makita ko si Paul, na nakasuot ang earphone sa kanyang tainga, at katabi niya ang bag ko.
"Paul.." Nakatayo lang ako sa harap niya.
Inangat niya yung ulo niya, wala pa ring expression yung mukha niya, pero nakikita ko sa mga mata niyang alalang alala siya.
"Yung bag mo, naka lock na kasi yung room. Umuwi kana."
Atsaka siya umalis. Muli, tinitigan ko lang siya umalis. Hindi na kita maintindihan..
Nahahalata na kita..
Sobra ng kabaitang pinapakita mo sakin..
Kinuha ko na din yung bag ko, at umalis na din, hahabulin ko sana siya kaso bigla siyang nawala.
#MIGWattpadPresent

BINABASA MO ANG
My Imperfect Girl
RomanceMakakahanap ba si Juri ng pag mamahal ng isang magulang? At kanino kaya mai-in love si Juri? Kay Paul ba na isang cold na tao o kay Tristan na makulit? Find out and read My Imperfect Girl na isinulat ni Ate Gatchi!♥