x15: The Past

8 1 0
                                    

Gusto ko ng umamin kay Paul, eh paano kung di naman nya talaga ako mahal? Paano kung trip nya lang maging sweet sakin? Hays!

You will never get the answer if you do not ask.

Ah ge ng dahil sa kakapanood ko ng insta dad ayan natandaan ko na yung motto ni Mayumi.

Bumangon na ko sa hinihigaan ko.

By the way, nasa bahay ako nila Paul ngayon.

Pumunta sya sa bonggang kitchen nila, siguro nag serve ng pagkain para sakin. Hehehe.

Pinaakyat nya ko sa kwarto niya, kaya sumunod naman ako.

At dahil mahilig ako mag travel ng mata.

May nakita ako.

Litrato.

Ni Paul na kita yung abs! *O*

Sh*t lang. OMG! Busog na ko! Bakit ba may poster siya na ganito?! Ang sarap nakawin! Huhuhuhu.

Naramdaman kong pumasok na siya sa kwarto kaya napalingon ako sa kanya habang kagat kagat ko yung labi ko.

"Pinag nanasaan mo na naman ako -_-"

Hehehe. Oo! Please can I take you home? And eat all you can. Dot it to me beybeh!

Pero ang totoo..

"Hindi ah! Ang pangit mo nga dito eh kadiri super SPG! Ew!"

Nag smirk na lang siya then umupo siya sa may sofa sa gitna ng kwarto niya.

Umupo na din ako, nilapag niya yung foods kaya ako naman yung pabebeng kumukuha nito. Ang sarap kaya ng cookies!

May napansin ako sa tabi ni Paul na table.

May picture frame at..

Ang bata niya pa dun..

Napansin niya akong nakatitig dun kaya binasag niya ang katahimikang nagaganap.

"Grade 7 ako niyan"

"Sino siya?" Tanong ko. May katabi kasi siya, pareho silang nakatawa dun. Ang cute!

"Si Claire" oh.. Baka kapatid niya.

Bigla na lang niya kinuha yung materials ng pag eexperiment namin. Sa totoo lang, wala kong alam sa gagawin namin. XD

"Ano bang gagawin natin?" Patanong ko.

"Gagawa tayo ng baby" pasagot niya.

Baby?

0______0

Bigla akong kinalibutan sa sinabi niya!

Sa panget kong to? May mag titiis ng katawan ko? Pero okay lang mahal ko naman si Paul, pero NO! bata pa ko. Paano na ang Botchok ko! Huhu.

"Wag kang maginaso, mukha kang aso."

Wtf. -_-

At dahil sa inis ko di ko siya pinansin, sinabi niya na yung mga side ng gagawin ko kaya nag simula na siya sa part niya.

Umalis siya at doon muna daw siya sa labas gagawa para daw maka concentrate ako dahil mahirap ng may pogi daw na kaharap, leche.

Inantok na ko kaka solve ng problems pero buti at yun ang part ko kasi magaling ako sa math solutions.

Umupo na ko sa carpet at sinandal ang ulo ko sa lamesa. Naka harap lang sa papel habang tinititigan yung lapis.

Narinig kong bumukas yung pinto, di ko makita kung sino pero ramdam kong si Paul yun.

Umupo siya sa harap ko, pinikit ko yung mata ko para kunwari tulog ako.

Hinimas niya yung ulo ko, at..

Hinalikan ito..

Napadilat ako dahil kinikilig ako!

Ramdam kong umupo na siya sa carpet at sinubsob din ang ulo niya.

Matutulog din ba siya?

Ang tahimik..

Mga ilang minuto din kaming ganun.. Di ko alam kung tulog na ba siya.

Kaya napag desisyunan kong ibaliktad ang posisyon ng ulo ko at iharap ito sa kanya.

Nagulat ako, di lang ako, pati siya dahil pag kaharap ko, halos mag kalapit lang ang mukha namin.

Kaharap ng mata ko ay yung labi niya, ganun din siya.

"Paul.. Paano mo masasabi pag mahal mo na ang isang tao?"

"Di ko alam"

"Hindi ka pa ba nag mamahal?"

"Nagmahal"

"Paano mo nalaman na mahal mo siya?"

"Di ko alam"

"Pwede ba yun?"

"Alam mo parang buhay lang yan, di mo alam kung kailan ka ipapanganak at kailan ka mamatay, sa pagibig, di mo alam kung bakit mo siya minahal, at di mo alam kung bakit ka masasaktan sa kanya, dahil kusa itong dadating"

"Ganun.. Hindi ba pwedeng puro saya lang? Kaya nga pagibig kasi puro mahalan lang"

"Wala ganun. Dahil sa pagibig pag nasaktan ka todo, dun mo mapapatunayan na nag mahal ka ng totoo."

"Paul.. Sino bang nagpa tibok na ng puso mo?"

"Matulog ka na." Lumapit yung mukha niya sa mukha ko at hinalikan niya ang noo ko.

Sino ka bang babae ka? Bakit parang sinaktan mo si Paul? Gusto kitang makilala..

Tumayo na siya at lumabas. Dun daw siya matutulog sa isa pang kwarto. At dito ako sa kwarto niya.

#MIGWattpadPresent

My Imperfect GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon