x12: Monday Moody

16 2 0
                                    

Monday

Another flag ceremony. Si Tristan agad hinahanap ko. Ang sarap niya kasing kasama, or should I say..

Masaya ako pag kasama siya.

Pumila na yung class A sa harap, unang row babae then next yung boys.

Nung prayer na.

May kumalabit sakin at napa tingin ako.

Kaklase ko siya, kaso di kami close. Tumingin na lang uli ako sa harap at patuloy parin siya sa pangangalabit.

Sa sobrang inis ko, sinigawan ko siya.

"Ano ba! Tumigil ka nga!"

Lahat tuloy ng atensyon ng tao na sa akin na naman.

May lumapit na teacher at hinawakan ang braso ko.

Kinaladkad niya ako patungong guidance office.

"Ma'am sorry po, siya po kasi eh, kinakalabit ako habang nagdadasal"

Hindi niya ko pinansin at patuloy niya kong kinakaladkad, ang mga tingin ng tao na sa amin na.

Nagulat ako ng may humawak sa kamay ng teacher, agad kong tinignan kung sino to.

Lumingon din yung teacher at napabitaw sakin sa sobrang gulat.

Tinignan lang siya ng masama ni Tristan at hinayaang nakatulala yung teacher doon, hinawakan niya yung kamay ko at umalis na kami papuntang..

Stage?!

Kinuha ni Tristan yung microphone, samantalang ako nanginginig na sa sobrang kahihiyan.

Sobrang tahimik, hinihintay nila ang gagawin at sasabihin ni Tristan.

Tinignan ko si Tristan at nakita ko siyang nakatitig sakin, linapit niya yung mic at nag simulang mag salita at humarap na sa madla.

"Respect her."

"Itong babaeng nasa harap niyo ngayon, pag mamay ari ko. Ayokong sasaktan niyo siya"

0____0

As in wow. Grabe! Ang astig niyang tignan sa ginawa niya!

Kinikilig na naman ako!

Muli, hinatak niya ako at bumaba, at pumila na kami. Nagsimula naman ang ceremony.

--

Ng matapos ang seremonya, pumunta na kami sa aming room.

As usual, usap usapan ng lahat yung ginawa ni Tristan.

Ako naman kinikilig parin. Hehehehe.

"Yung utang mo?"

Ay palaka! Naalala pa ni Paul yun? Hays. De bale 10php lang naman.

Kumuha ako ng 10 sa bulsa ko at iniabot sa kanya.

Tinignan lang namin ang isa't isa at inirapan niya ako ng slight, ang pogi niya pa rin kahit nang irap siya.

Teka?!

Inirapan niya ko?! Aba't! Ang taray ng lolo niyo ngayon ah!

Ng umupo na ang lahat, si Tristan, pinapalis na naman tong katabi kong si Roa.

"Ang kunat mo naman Owa! Gusto ko lang makatabi si Juri!" Mangiyak ngiyak na sabi ni Tristan.

Ayaw talaga ni Roa umalis kaya ayun, nakasimangot na umupo sa dulo si Tristan.

Ng dumating na yung physics teacher, agad kami pinag partner para sa activity na research and experiment.

"I've already list your name by partners."

My Imperfect GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon