xx4: My Classmate

84 4 2
                                    

May ilang istudyante din akong nadaanan bago ako lumapit sa board. Narinig kong nag sasabihan sila ng kanilang mga sections.

Agad akong kumaripas ng takbo papunta roon.

Nang makarating nako, hindi na ko nagtaka kung bakit sila nag alisan ng makita nila ang pag mumukha ko.

It's either, ang pangit ko kaya nag alisan sila, or sa sobrang ganda ko kaya nag bigay galang sila.

"Oh my God! The ugly is here! Let's go girls!"

Pero mukhang malabo yung pangalawang choice na naisip ko, rinig kong sinabi ng babaeng yun dahil sinigaw nya talaga, at sumunod naman ang iba sa kanya kahit hindi naman sila yung sinasabihan.

"Ms. Loocy, nakita ko sa list kasali sya sa class A at.. kaklase din natin sya" sabi nung babaeng kasing height ko which is maliit, at ang cute nya.

"Ew! Kadiri! Yuck! Patalsikin natin yan Ms. Loocy!" Sabi naman nung isang babaeng maarte na akala mo kagandahan.

Hindi ko na lang sila pinapansin, panay hanap lang ako dito ng section ko, kahit alam kong nasa class A ako.

"Ayoko, nakakabored naman kung wala tayong binubully sa room. Am I right girls?" Sabi nung Ms. Loocy ata, siya kasi yung bida bida e.

Sa pag kakataong ito, tinignan ko na sila.

Inirapan lang nila ako at umalis na sila.

Pakiramdam ko ako na lang ang natitira dito sa court.

"Nice to meet you again, my classmate"

0___0

Agad akong napalingon sa boses ng lalaki sa likod ko.

May lalaking nakatayo, nakapamulsa ang kanang kamay at naka tingin sakin ng deretso. Yung aura niya, napaka cold. Hindi mo talaga mararamdaman na kasama mo siya.

Siya yun! Siya yung nag pahiram sa akin ng panyo. At sa pag kakataong ito dapat maitanong ko na ang pangalan niya!

Pagkabuka ko pa lang ng bibig ko, bigla agad siyang nag salita.

"Paul Cyrus"

At muli, umalis na siya, ako naman nakatitig lang sa kanya.

Lumingon siya at nag salita uli.

"Tara na, late na tayo" at pinagpatuloy niya yung paglalakad niya.

Tumakbo ako papalapit sa kanya, pero hindi ako tumabi, nasa harapan ko siya at nasa likuran niya ako.

Ayokong masabihan ng malandi, at ayokong iwasan niya din ako.

"Salamat.."

Hindi man lang siya kumibo sa sinabi ko, pero nararamdaman ko, tinanggap naman niya yung pasasalamat ko.

Ano nga uli sabi niya kanina? My classmate? Ibig sabihin.. mag kaklase kami?

Ang sarap naman sa feeling! Pumikit ako saglit at nag 'thank you Lord' ako.

Nang makarating na kami sa aming classroom, sakto nag aarrange na ng upuan yung guro.

Ng makaupo na lahat, kami na lang ni Paul ang nakatayo.

Tumingin sa akin yung teacher at tinanong niya kung ano ang apilyido ko.

"Alcantara"

"Okay, here at the front, and you?" Sabay turo kay Paul.

"Cyrus"

"At the back of Alcantara, you may now sit"

Umupo na kami, pagkalingon ko kay Paul, agad din akong tumingin sa harap, kasi eh.. nakatitig siya sakin.

"Ako ang inyong magiging adviser nyo in the whole year. So, ako si" tumayo siya at nag sulat sa black board.

Mrs. Ashley Cruz

Humarap na siya at nag peace sign. Ang mga lalaki naman ay di makapaniwala sa ganda ni Ma'am Cruz.

"Wow naman! Hindi halatang Mrs. na siya!"

"Grabe! Ang cute nya! Mukha pa rin siyang chix!"

"Witwiiiiiw!"

"Wooh! Na sayo na lahat!"

Tuloy pa rin sila sa pag sisigaw ng kung anong pwedeng ipuri kay Mrs. Cruz.

Sa totoo lang, ang ganda nya talaga at mukhang dalaga pa.

"Class, kung ako kilala nyo na, kilalanin nyo naman yung isa't isa. Bibigyan ko kayo ng 30 minutes para mag kausap kayo. Aalis muna ko at pag balik ko, mag handa kayo ng tanong o ng mga topics"

Inayos niya yung gamit at umalis na siya.

#MIGWattpadPresent

My Imperfect GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon