Naglakad na ako papuntang bahay. Ang bahay ko, nasa ilalim ng tulay.
Habang nag lalakad, may humintong kotse sa gilid ko. Binilisan ko yung lakad ko dahil na rin sa takot.
"Hoy! Juri!"
Ng marinig ko yung boses na yun, agad akong lumingon sa kanya.
Bumaba siya sa kotse at agad na tumakbo palapit sa akin.
"Bakit nawala ka bigla?!" Pagaalala niya.
"Tristan.. Nakatulog ako sa c.r. eh." Sabi ko.
"Hays! Hatid na nga lang kita sa bahay niyo." Pagaaya niya.
"Wag na, kaya kong magisa"
At dahil spoiled to, hindi niya ako pinansin at hinatak na naman niya ako, at pinasakay sa kotse nila.
Tinuro ko yung tulay at sinabing doon nako ibaba dahil naroon na ang bahay ko.
"Wag mo nga kong pinag loloko! Wala namang bahay diyan eh!" Kamot kamot niya yung ulo niya habang hinahanap yung bahay na sinasabi ko.
"Sa baba ng tulay."
Nagulat si Tristan at yung driver niya. Nilapitan pa nila lalo yung kotse hanggang sa mapunta na sa tapat ng bahay ko.
Simple lang yan, pero matibay yan! Hindi yan gawa lang sa kung ano. Galing sa tita ko yan, binigay na sa akin ng hindi na niya ako kayang alagaan dahil na din sa madami na siyang pinapalamon at may pamilya din siya.
Bumaba na ako, wala akong balak papasukin pa si Tristan sa loob, wala namang pagkain eh.
Atsaka, mukhang hindi kumakain yun ng pang mahirap na pagkain.
"Hindi mo manlang ako aayain mag kape?" Sabi niya, at bumaba siya ng kotse, naglakad siya hanggang sa makapasok na siya sa bahay.
"Teka may aso!"
Pagkabukas niya ng pintuan, agad siyang sinalubong ni Botchok.
"HAAAAAAAAA!!!!!!" Tumakbo siya papunta sakin, at nagtago sa likod ko.
Natatawa ako sa reaksyon niyang yun. Para siyang batang takot sa multo.
Gusto ko tuloy siyang asarin. Kaya ayun tinawag ko si Botchok.
"Chu, chu, chu, Botchok! Eat this panget!" Sabay turo ko kay Tristan na kasalukuyang nakatingin sakin na halos paiyak na.
Kumapit sakin si Tristan, tumalon siya at nagpapabuhat sakin. Ang laki niya kaya, at ang liit ko lang, ang payat payat ko pa!
Nung lumapit na si Botchok sa kanya at tinatahulan siya, bigla akong na out of balance dahil sa kakulitan nitong lalaking to.
*BOGSH*
Pagdilat ko, nakita kong dumilat na din siya. Halos konti na lang magkadikit na kami ng mukha.
Hindi ako makagalaw, nasa ibabaw niya ako.
Akmang tatayo na ako, pero ng dahil kay Botchok.
Nawala na yung first kiss ko.
Pano, si Botchok, lumakad sa bandang ulo ko at pumasok na sa loob ng bahay.
Ako naman tulalang magkadikit ang mga labi namin.
Kakawala na sana ako, kaso..
Si Tristan, hinawakan niya yung ulo ko, at sinimulan niyang igalaw ang labi niya.
Pervert! 0//0
Sobrang na shock ako sa ginawa niya, hindi ako makagalaw. Pinilit ko pa rin kumawala sa kanya, kasi eh! Nakikiliti na ko sa hininga niyang kabango bango!
Tumayo na ako at tumakbo papasok ng bahay at isinara na ang pinto.
Ng marinig ko na ang pag alis ng kotse nila, nakahinga din ako ng maluwag.
Napahawak ako sa labi ko, habang nakatitig kay Botchok.
"Nice, team work!" At binigyan ko siya ng high five, at yun umapir naman siya.
"Arf! Arf!" Tahol ni Botchok.
Kinikilig ako!!!!!!!!!!!!!
#MIGWattpadPresent

BINABASA MO ANG
My Imperfect Girl
Любовные романыMakakahanap ba si Juri ng pag mamahal ng isang magulang? At kanino kaya mai-in love si Juri? Kay Paul ba na isang cold na tao o kay Tristan na makulit? Find out and read My Imperfect Girl na isinulat ni Ate Gatchi!♥