"Ah.. Paul? Pwede ka mag drive?"
Di man lang niya ako inimik at may binigay lang siyang something.
Driver's license? Taray, pwede na siya mag drive. Atsaka..
"18 years old?!"
Bigla siyang napatingin sakin at nag taka. Ako din eh nag taka.
"18 yrs. old ka na Paul?"
"Hindi, ano ba nakasulat jan?" Sabi niya.
Sungit! -__-
Nagsimula na siyang umandar at nilapag ko na yung license niya at tinignan ko na lang yung cellphone ko.
Tinignan ko yung only one message sa inbox ko.
Tristan Smith
Oy panget! Kumusta ka na? Sabihin mo kung may ginawa sayong hindi maganda yang Paul na yan ah!
Hays. Hahaha, kung alam mo lang Tristan kung gaano ako nasaktan ngayon dahil sa sinabi niya.
Tinago ko na uli yung cellphone ko at humarap kay Paul.
"Paul, san tayo pupunta?"
–_______–
Dapat pala masanay na ko sa kanya. Ang tipid mag salita eh.
Nag smirk na lang ako at tumingin sa bintana, sa sobrang inip ko, pinikit ko na lang mata ko.
xxx
•Paul Cyrus•
Nakatulog na ata to.
Ng makarating na kami sa bahay, tinigil ko muna yung sasakyan at tinignan si Juri.
Kamukhang kamukha nya si..
Claire Paris..
Flashback
Sa park.
Nakita ko si Claire may kasamang ibang lalaki.
Okay lang sana sakin yun.
Kaso hindi.
Hindi okay sakin ng may kahalikang ibang lalaki ang girlfriend ko.
Alam kong mahal na mahal ako ni Claire. Mahal namin ang isa't isa.
Hindi niya magagawa sakin to.
Hindi niya ko kayang lokohin.
Lalapitan ko na sana sila, ng mag ring phone ko.
Calling..
Sinagot ko ito ng hindi nag sasalita habang nakatingin sa kanilang ginagawa.
Yung lalaki panay halik sa leeg ni Claire. Naririndi na ko!
(Baby? Punta ako sa inyo mamaya ah? May sasabihin akong importante)
"Nasan ka Claire?" Mahinahon kong sabi at galit na galit kong saloobin.
(Ha? Ano.. Bakit mo natanong?)
"NASAAN KA CLAIRE?!!" Pasigaw kong sabi.
Na halos makita na ako ni Claire na nakatigin sa kanila.
Nagulat yung lalaki sa pagtulak at pagtaboy sa kanya ni Claire kaya umalis na ito.
Nilapitan ko muna si Claire.
"Sorry baby.. Please.. Sorry.. Mag eexplain ako.."
"Mahal mo ba talaga ako Claire?!"
"Paul.... Wag dito please..."
"SAGUTIN MO AKO! MAHAL MO BA TALAGA AKO?! HA?! SUMAGOT KA!!"
Halos maiyak na siya sa pag sigaw ko sa kanya. Naiinis ako! Gusto kong manapak! Gusto ko siyang murahin! Pero di ko magawa.. Sobrang sakit..
"Kaya ka ba hindi nag paparamdam?! Kasi may iba ka ng mahal?! Pinag mukha mo kong g*go! Alam mo ba yon?!"
Tinalikuran ko na lang siya at nag lakad palayo.
Sa pag kakataong ito, ayoko ng maging tanga. Ayaw niya na pala sakin..
Nag sawa na pala siya..
Akala ko mahal niya ako..
Sa tagal naming yun hindi niya pala ako mahal?
Nakakatuwang isipin na napaka g*go ako ng dalawang taon para maniwala sa kanya noon.
...
Nagalakad ako pag tapos naming mag usap ni Claire. Gustong gusto kong manapak tuwing naiisip ko na niloko nya lang pala ako.
Habang nag lalakad ako, nakita ko yung lalaki kaninang kahalikan ni Claire.
Nilapitan ko ito.
Habang papalapit ako, nakita kong may kasama siyang babae.
"Please! Malvin mahal kita! Wag mo gawin sakin to please! Hindi ko kayang mawala ka.. Please Malvin.." Sabi nung babae.
"Tumayo ka jan! Break na tayo. Mag pakasaya kana, hindi na kita mahal.."
Ang lakas ng g*gong to! Tumakbo na ko papalapit at hinawakan ang kamay niyang pasampal na sa babae, agad ko naman itong sinuntok sa mukha. Ang kamao kong kanina pa nanggagalaiti sa kanya.
Napatumba sya sa lapag gawa ng pag sapak ko.
"Respect her!"
Tinignan niya lang ako ng masama at umalis na.
"Sa susunod, wag mong hayaang ginaganun ka ng lalaki"
Sinabi ko yan sa babae, pinamulsa ko yung pinansuntok ko at umalis na.
Claire sana maging masaya ka..
End of Flashback
"Mahal pa kita Claire.."
"Mahal kita.. kaya mas pinili kong maging mag kaibigan tayo kasi natatakot ako.. baka saktan mo din ako.."
xxx
•Juri Alcantara•
Ng magising na diwa ko kakahimas ni Paul sa buhok ko, narinig kong si Paul nag sasalita.
"Mahal kita.. kaya mas pinili kong maging mag kaibigan tayo kasi natatakot ako.. baka saktan mo din ako.."
Nagulat ako sa sinabi niya at napadilat ako, at nagulat naman siya.
"Paul.."
Bigla na lang siyang bumaba na sa kotse at ako naman naiwang tulala.
"Hindi kita sasaktan.." Yan ang nasabi ko.
Napangiti ako kasi, mahal niya ako.
Gusto ko na ding umamin sa kanya.
Pero hindi pa ngayon.
Kailangan ko ng tamang oras at tamang panahon.
Hindi kita sasaktan Paul..
#MIGWattpadPresent

BINABASA MO ANG
My Imperfect Girl
RomantizmMakakahanap ba si Juri ng pag mamahal ng isang magulang? At kanino kaya mai-in love si Juri? Kay Paul ba na isang cold na tao o kay Tristan na makulit? Find out and read My Imperfect Girl na isinulat ni Ate Gatchi!♥