TWO

3.4K 212 5
                                    

T-shirt


"Miss, alam mo bang pwede kitang ireport sa pulis? This is a private property and you entered without permission." Bakas ang iritasyon sa kanyang boses. His fists were planted on his hips.

I covered my chest with my arms. Kahit nakalubog sa tubig ang aking katawan, nag-aalala pa rin ako na baka maaninag nito ang aking kahubdan. Kahit ba may kapirasong tela pa akong suot, pakiramdam ko'y wala na akong maitatago sa lalakeng nakatayo na animo hari sa pampang ng ilog.

"Nasisiraan ka na ba ng bait, Miss? Anong pumasok sa utak mo para maligo dito nang mag-isa and worse, nakahubad ka pa?"

"Hindi ako nakahubad! I have my underwear on!" Pasigaw na sagot ko. Bakit sa tono ng boses nito ay parang pinapahiwatig niyang sinadya kong maghubad?

"Ipangalandakan mo pa. Sumigaw ka pa diyan para malaman ng lahat ng tao na may dalagitang nangahas manghimasok dito." Banta nito. "Don't you know? My land helpers are all men, and they could easily wander down here and find you like this."

I almost rolled my eyes. Didn't I know it!

Hindi ko na alam paano pa lulusot. Nawawalan na ako ng pag-asa. Dahil nahuli na ako, ayokong balikan pa ako ni Krizette at baka pati ito ay mapahamak pa. Baka mas lalong mairita ang lalake kapag nalaman nitong dalawa kami ng pinsan ko ang nangahas na pumasok sa kanyang pribadong lugar.

If this was his property, did it mean that this man, the youngest Salvatore? The one my father would pick up from Batangas Pier? Kung ganoon ay nandito na din si Papa sa lupain ng Alcantara! Akala ko ay mamayang gabi pa!

Diyos ko, paano kung umuwi na ito sa bahay at malamang wala ako doon? Or worse, makasalubong ni Papa sa daan si Krizette at malamang nandito ako sa ilog na pag-aari ng amo niya!

Oh, no! Mas lalong hindi ako pwedeng magtagal pa dito. Kailangan ko nang makaalis bago pa ako isumbong ng lalakeng ito sa awtoridad.

"Ano..uhm...kuya ano...uhm... ano nga pangalan mo?" Nanginig ang mga labi ko. Lamig na lamig na ako.

"Ku...ya?" His tone was low, but why did I sense some annoyance in his voice?

"Kuya. I'm pretty sure you're older than me." Sagot ko nang pabalang.

"Don't call me 'kuya'. We're not siblings." Matigas na tonong sambit nito.

Ngumuso ako. Suplado. Just because I called him 'kuya' didn't mean to say we're blood related! Para namang perstym niyang may tumawag na 'kuya' sa kanya? Imbes na suplahin ito ay minabuti ko na lamang ang magpasensiya pa sa pagiging antipatiko nito.

"Ano kasi. Ikaw ba may-ari ng cottage na iyon?" Ininguso ko ang cute na bahay sa di kalayuan.

Nilingon ng lalake iyon. "Bakit?"

"Baka may extra kang T-shirt sa bahay mo. Pwede ko bang mahiram?" Hindi ko pansin na unti-unti akong humakbang palapit sa riverbank, kung saan nakatayo ang lalake. "Kailangan ko na kasing umuwi. Tiyak akong hinahanap na ako ng tatay ko."

"Do you think I will let you walk out that easily?" He crossed his arms over his chest.

I prided myself for having great patience and endurance, pero ewan ko ba, konting kibot ng lalakeng 'to naiirita na ako. Ipapakulong niya ba ako? I was still minor! There's no way I could be imprisoned for trespassing!

Tiyak akong may naglalabasan ng usok sa ilong at tainga ko. I tipped my head back and now that I was closer, I finally got to see his face in daylight. Yes, in daylight because the dark clouds were gone, and rays of the sun shone upon him, creating a shimmering effect on his fair skin.

Fortress Island Series 2 Romano: Can't We Try (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon