Wish
"Sigurado kang nagpaalam ka kay Tiya Lorna?" Ito na ata ang pang-sampu ko na na tanong sa kanya. Kasi naman, nung paglabas namin ni Romano mula sa silid ay hindi ko na naabutan si Tiya. According to Romano, nagpaalam daw siya sa kanya tungkol sa planong ito at agad naman daw pumayag ang magaling kong tiyahin. Basta lang daw ay umuwi kami agad kinabukasan.
Nawindang ako. Unang-una, hindi ko inaasahan iyon kay Tiya. Akala ko nga nagsisinungaling si Romano sa akin kaya ang ginawa ko ay tinawagan ko ito. She did confirm that Romano asked permission from her, and she agreed to it in a heartbeat. Pangalawa, hindi pa nagsi-sink in sa akin na talagang tutungo kami sa Palawan! I mean, hello? Palawan! The best islands are in Palawan!
Lulan na kami ng yate ni Romano. I tried not to show my excitement and amazement when I first saw the yacht, but my eyes said it all.
First time kong makakita ng yate sa malapitan at first time ko ding makasakay. Dati, pag dumadaan kami sa Manila Bay kung saan naka-daong ang mga private yachts ng mayayaman, nakatanaw lamang ako sa mga malilit na barkong ito. Yeah, I called yachts 'small ship' because for me, they really are.
"Tiya Lorna said that you have motion sickness. Here, take this pill. It's effective." Inabot niya sa akin ang bottled water.
Tinanggap ko iyon pero ang isang kamay ko ay nakabitin sa ere, naghihintay na iabot niya ang pill na sinasabi niya. "Eh? Saan na?"
Romano touched my chin. "Say 'ah'." Ang mga mata nito ay nakatitig sa aking mga labi.
I blushed instantly. I hit him on the chest. "Ewan ko sa'yo. Akin na kasi. Sige ka, kapag feel kong sumuka, susukahan talaga kita!" Banta ko sa kanya.
He only laughed at me. Bahagya pa nitong pinisil ang aking baba. "Ang cute cute talaga ng babe ko."
"Makaangkin ka ha."
"Aangkinin naman talaga kita."
I facepalmed. Bukod sa napakabulgar ni Romano, nahihiya din ako dahil sa pagtikhim ng mga tauhan nito na kasama namin ngayon. Even the kind captain Romano introduced to me earlier ,who was busy navigating the wheel at the moment, smirked and threw us a knowing look.
"Romano, please lang ha. Umayos ka sa mga salita mo. Nakakahiya sa mga nakakarinig baka anong isipin."
Pasupladong sinulyapan lamang ako nito. "You're going to be mine, Maya. I will make sure of it."
"Ewan." Inagaw ko sa kanya ang tableta at agad pinasok sa aking bibig. Romano grabbed the bottle and opened it before giving it back to me. I could only pout at his action.
Romano offered me to take a nap in the cabin. Agad namang tumango ako dahil nakaramdam ako ng antok kahit ba nakaidlip ako kaninang tanghali. Epekto siguro ng gamot na ininom ko o dahil kulang pa rin ako sa tulog.
Romano woke me up and informed na kita na ang isla mula rito. Excitement engulfed me. Sabay kaming umakyat sa taas at agad na napasinghap ako sa magandang tanawing bumungad sa amin. Even though the island was surrounded by darkness, ang mga ilaw na nagkikislapan mula sa mga kabahayan ay tila mga bituin.
And there it was. The magnificent castle on the top of the hill.
Romano hugged me from behind. Agad namang yumapos ako sa mga braso nito at pinahinga ang aking ulo sa kanyang matigas na dibdib.
"The heart of the island." He whispered just above my ear.
I smiled. He was referring to the castle.
"I want to draw the island. Pero hindi ko makita ang buong detalye dahil sa dilim."
"You will have your chance tomorrow, babe."
BINABASA MO ANG
Fortress Island Series 2 Romano: Can't We Try (BOOK 2)
RomansaThis is Fortress Island Series 2: Romano, Cant't We Try BOOK 2