Lady in Red
My head was throbbing from pain. Umungol ako at binuka paunti-unti ang aking mga mata.
Maliwanag ang paligid hindi dahil sa mga ilaw kundi mula sa sinag ng araw na nanggagaling sa nakabukas na bintana. Inalala ko ang huling kaganapan bago ako mawalan ng malay. Pakiramdam ko'y panaginip lang ang lahat ng iyon. Tama ba ang pagkakaintindi ko sa sinabi ni Mama? Hindi ako anak ni Papa Norman kundi anak ako ni Senyor Arturo? Isa akong Salvatore? At ang pinakamahalaga sa lahat, hindi kami magkapatid ni Romano?
Dahan-dahan kong inangat ang aking sarili. Pansin kong nag-iba na ang aking kasuotan. Anong oras na ba? Ilang oras akong walang malay? Inikot ko ang tingin sa aking paligid. Sigurado akong hindi ito ospital. Hindi ganito ang kwarto sa ospital. Para akong nasa isang silid ng palasyo. Masyadong magara ang mga gamit na naririto at napakalawak din ng silid na ito.
Sinapo ko ang aking ulo at napapikit. Ramdam ko pa rin ang pananakit. Mabigat pa rin ang aking pakiramdam. Gumawa ng ingay ang aking tiyan. Kumakalam ang aking sikmura. Kailan ang huli kong kain? Hindi ko na maalala. Ang alam ko ay sumusuka ako tuwing nalalamnan ang aking tiyan.
Nag-angat ako ng tingin nang bumukas ang pintuan. Agad akong nakaramdam ng hiya. I consciously arranged the blanket that covered half of my body. Yumuko ako at hinintay ang kanyang paglapit. Iyan ay kung lalapit nga ba ito.
Tumigil ang kanyang wheelchair sa mismong gilid ng aking kama.
"How are you feeling?" Tanong nito sa baritonong boses. My ears easily picked up the changes in his tone. Yesterday, his voice was stern and harsh, but now it was soft and tender.
Bumaling ang mukha ko sa kanya. "I'm feeling better." Sagot ko.
Alejandro's piercing eyes met mine. I felt uncomfortable by how intense he gazed at me. Tila ba may hinahanap sa mukha ko.
"You inherited our grandmother's eyes. The first time I saw you, I knew you're special." He stated. I almost choked when he used the word 'our' instead of 'my'.
"How are you?" Tanong ko, pilit na hindi pinapansin ang pagkalabog ng puso ko.
Sandaling tumikwas ang dulo ng kanyang kilay. Damn. Even at that expression, he was breathtakingly gorgeous. Magkapatid ba talaga kami? Kasi parang ang layo ng hitsura naming dalawa.
"I'm sorry." Hingi ko ng paumanhin.
This time, his brows smashed together. Lalo akong kinabahan. Napaka-intimidating talaga ng taong ito. How did Bea manage his mood swings?
"Why are you saying sorry for?"
"Because I asked that question."
"The question is a harmless one. You just got me confused. Are you asking about my feelings and opinions about the bomb your mother dropped yesterday—"
"Yesterday? Oh, my God! Did I sleep that long?"
"Kung tama ang bilang ko'y bente oras kang tulog, Mira. You got us all worried."
"I'm sorry. Ilang araw na kasing masama ang pakiramdam ko at ayoko namang pumunta ng doktor dahil alam kong dahil lang ito sa pagiging anaemic ko."
"You are really clueless, young lady." He sighed deeply. "Anyway, our family doctor checked you up and he advised that you should take a lot of rest. I made a decision na dito ka muna manatili sa poder namin hanggang sa unti-unting bumalik ang iyong lakas at sigla. I hope that's okay with you. Pero kahit na hindi, ang desisyon ko pa rin ang masusunod." He said with conviction.
"Anong ibig mong sabihin, Alejandro?"
"Hindi naman siguro mahirap intindihin ang sinabi ko."
"Sa makalawa na ang flight namin ni Mama pabalik ng Pinas." Ani ko. "Wala akong planong magtagal dito sa America. Nasaan ang mama ko? Nandito ba siya? Gusto ko sana siyang maka-usap. Marami pa akong gustong itanong sa kanya."
BINABASA MO ANG
Fortress Island Series 2 Romano: Can't We Try (BOOK 2)
RomanceThis is Fortress Island Series 2: Romano, Cant't We Try BOOK 2