TWENTY-ONE

3.2K 207 19
                                    

Bahala Na


Yung dinasal mo sa Diyos bago mo ipikit ang iyong mga mata sa gabi na sana bangungot lang ang lahat. Pero paggising mo sa umaga, yung kahit hindi naman masakit sa mata ang sikat ng araw pero kusa na lamang papatak ang iyong mga luha. Yung pakiramdam na kahit simpleng hugot ng hininga ay may hapdi sa dibdib. Na para bang may malaking sugat sa loob niyon at kahit anong gawin mo, hindi mo alam kung paano pahihilumin. Maliban na lang siguro kung titigil ka sa paghinga.

Kung subukan ko kaya?

Ano ang uunahin ko, ang magsaksak sa puso o ang iuntog ang ulo sa pader? Dahil kasabay ng pagkirot sa aking dibdib ay ang walang humpay na pagragasa ng mga alaala sa mga panahong pinagsaluhan namin ni Romano.

Umalon ang aking tiyan at napabalikwas ako mula sa pagkakahiga sa kama. Tutop ko ang aking bibig at nagmamadaling tinungo ang banyo. Nakatayo na doon si Krizette at bukas na rin ang pintuan. It seemed like my cousin knew the drill after all.

Lumuhod ako sa harap ng toilet bowl at dumuwal doon. Krizette gathered my hair with her hand, pulling it away from my face while the other caressed my back as if it could help me feel better.

"It's been ten days, Mira." She spoke. "Wala ka pa rin bang sasabihin sa akin?"

Umiling ako habang patuloy pa rin sa pagduwal. Maluha-luha na ang aking mata. I didn't eat solid food for days at puro tubig lamang ang halos laman ng aking katawan. Kahit anong pilit ni Krizette, hindi ko magawang kumain. I did not want her to be upset with me but I couldn't force myself to eat.

She was clueless. Wala akong binanggit sa kanya tungkol sa nalaman ko. I had my reasons. I didn't want her to get hurt, knowing that Tiya Lorna, her mother, who knew the whole truth all along hid it from me—from us.

"I'm not pregnant, I can assure you." Sagot ko sa kabila ng panunuyo ng lalamunan. When I felt like I had finally emptied my stomach, I stood up and faced the sink. I washed my face and mouth with cold water.

"Alam ko." Sagot nito kasabay ng pag-abot ng malinis at tuyong tuwalya sa akin. She leaned against the wall, her arms crossing over her chest. "Alam mo, kung gusto mong mamatay, bakit hindi ka na lang magbigti o di kaya maglason? I will do the honours to prepare your death bed."

I glanced at her from the mirror. Tipid akong ngumiti sa kanya. "Good suggestion."

She rolled her eyes. "Mauubusan na ako ng pasensiya sa'yo na babae ka. Konting-konti na lang at talagang sasabunutan na talaga kita. Ano ba talaga ang problema mo? What happened ten days ago? Inuwi ka ni Matt dito na walang malay, Mira. He said you passed out. At kahit gusto ka niyang dalhin sa ospital, alam niyang hindi iyon ang kailangan mo. He thought I could help you pero paano kita matutulungan kung hindi ko alam ang puno't dulo ng lahat ng ito? Ang tanginang Matt ay nanindigan na walang alam sa nangyayari. When I confronted Romano, hinayaan niya lang akong atakehin siya ng sampal at suntok and I pitied him coz he looked like hell! Parang ikaw ngayon! Pareho kayong dalawa na humihinga nga pero wala nang mga buhay!"

Tinukod ko ang aking mga braso sa dulo ng washstand at napayuko, iniwasan ang kanyang mga titig. Just hearing his name made my heart wince in pain.

I fantasized him.

I kissed my brother.

We made love countless of times. He fucked me hard.

Just thinking about it made me want to throw up again.

Tuluyang namasa ang aking mga mata at hinayaang pumatak ang mga luha. Sa totoo lang, nakakapagod na ang umiyak pero kahit anong gawin ko, hindi ko iyon mapigilan. Kung hindi ko iiiyak ang sakit na nararamdaman, hindi ko alam paano pagagaanin ang kalooban.

Fortress Island Series 2 Romano: Can't We Try (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon