Rage
"Congratulations!"
Nagpalakpakan ang mga tao pagkatapos kong pimirma ng kontrata. Nahihiyang inikot ko ang tingin sa kanilang lahat. Wala pang sampung katao ang narito sa loob ng conference room. They suggested na gawing pormal ang pagpirma ko at isabay na ipakilala ako sa madla pero tumanggi ako. I still couldn't wrap my head around the fact that I was doing this. Ni sa hinagap ay hindi ito dumaan sa isipan ko. But I guess, this was it.
It's high time to unfold new pages and start a new chapter in my life.
Tumigil ang mata ko sa nakangising mukha ng aking pinsan. Isa ito sa sobrang natuwa sa disisyon ko. Akala ko pa nga ay magagalit ito pero kabaligtaran ang kanyang naging tugon.
Hinugot ako ni Krizette sa aking braso at mahigpit na niyakap.
"Artista ka na! I can't believe it!" She spoke in a high-pitched voice. Nagtatalon-talon ito na parang nanalo ng lotto sa sobrang galak at tuwa. Nagtawanan ang mga taong nakapaligid sa amin. Panay naman ang hingi ko ng pasensiya sa kanila dahil sa pagiging comical ng pinsan ko.
"Makasabi ka naman ng artista." Saway ko sa kanyang sinabi. Kahit pumirma na ako ng kontrata, I don't consider myself as a celebrity. May mga restrictions akong nilahad sa management na hangga't maaari ay sa music videos lang ako ng mga Moon Records artists gaganap. Ayokong mag-guest sa mga shows sa telebisyon o radio. Ayoko ng mga interview dahil madali akong matanranta at nabablangko ang isipan ko kapag kabado ako. Ayokong magdemand sila sa akin na pasayawin o pakatantahin ako dahil nakakahiya mang aminin, parehong kaliwa ang aking mga paa at mas sintunado pa ako kaysa sa kumakantang parrot.
Kung meron man akong talentong maipagmamalaki kahit paano, iyon ay ang pagguguhit pero ilang buwan na rin buhat nang hindi ko nahawakan ang aking mga lapis. Pakiramdam ko'y pati ang pagguguhit ay nakalimutan ko na rin.
At isa pa, ayoko silang malugi ang kompanya sa akin. Medyo may kalakihan ang bayad nila sa akin at ayokong malugi sila sa akin kung masyado silang 'all out'. Aware naman ako na walang espesyal sa akin. Ang pisikal kong katangian ay masasabing mediocre lamang kumpara sa ibang sikat na artista. Kaya lang naman napapayag ang management na kuhanin ako dahil na rin sa kondisiyon ni JK sa kanila.
"Anong tawag mo dito? Exclusive artist ka ngaw daw oh." Bahagya pa nitong hinampas sa braso ko ang kontratang hawak. "We need to celebrate." She winked at me.
I sighed and nodded. Para namang makahindi ako sa kanya gayong ang laki ng tulong nila ni Franco sa akin. Nagtalaga pa talaga ang kanyang nobyo ng attorney para mas lalong ipatindi at ipaliwanag sa akin ang nakasaad sa kontrata. Inilahad na rin sa akin ang mga eksenang gagawin sa music video ni JK. At so far, nagustuhan ko ang mga iyon kahit ba may mga intimate scenes na gustong isingit. Hihingin naman daw nila ang pahintulot ko kung sakali. Isa pa, si JK naman iyon at alam kong hindi niya ako pababayaan. He promised to guide me and make me feel comfortable sa buong durasyon ng filming.
Speaking of celebration, the management suggested that they would throw a small party for me but again, I declined. Kako, my cousin had another plan. At mas gusto ko na rin na kami lang munang dalawa.
"Damn. I'm late."
Sabay naming nilingon ang bagong dating na si JK. Humahangos pa ito at tagaktak ang pawis habang naglalakad patungo sa akin. Sa kanyang likod ay ang kanyang manager na si Carlos.
Nagliwanag ang mukha nito nang magtama ang aming mga mata. Agad namang sumilay ang ngiti sa aking mga labi. Humakbang ako para salubungin ito.
JK dropped a kiss on my cheek before he wrapped me in his arms. Komportableg hinilig ko ang aking pisngi sa matigas nitong dibdib.
BINABASA MO ANG
Fortress Island Series 2 Romano: Can't We Try (BOOK 2)
RomanceThis is Fortress Island Series 2: Romano, Cant't We Try BOOK 2