SEVEN

2.9K 172 10
                                    

Yours


I snapped my eyes open. Tumama ang sinag ng araw sa aking mukha at agad kong inangat ang aking palad para harangan iyon. Ramdam ko agad ang hapdi sa aking mga mata. Napaungol ako dahil sa pananakit ng likod. Kumilos ako at nagpalit ng aking posisyon. I lay on my side facing the door, but a high-pitched shriek escaped my throat when I found Tiya Lorna sitting on the single chair. Her arms were crossed over her chest, her expressions blank.

Napahawak ako sa aking dibdib. "Tiya naman, ginulat mo po ako."

Tumikwas ang kanyang kilay. "Kung tama ang bilang ko ay apat na oras kang tulog, Mira. Mag-aalas tres na na ng hapon, pamangkin. Masama ba ang pakiramdam mo? Hindi ka naman mainit."

Sinalat ko ang aking noo. "Hindi ba ako mainit, Tiya?"

"Bakit? Mabigat ba pakiramdam mo? Baka nasa loob ang lagnat mo." This time, concern was visible on her face.

Umiling ako. "Okay naman pakiramdam ko, Tiya. Nagbabawi lang siguro ng pagod at puyat."

Nanliit ang mga mata nito. "Napagod ka kagabi? Anong ginawa n'yo at napagod at napuyat ka? Umamin ka sa akin, Mirasol!"

Pinagulong ko ang aking mata at unti-unting inangat ang sarili. I leaned my back against the headrest at ngumisi kay Tiya. "Si Tiya Lorna ang dumi ng iniisip."

"Ay, aba. So, may idea ka na sa kung ano ang nasa isip ko? Isang oras akong naghintay sa mansiyon buhat nung sinundo kayo ng tauhan nila. Ganun ba kalayo ang kubo nung Romano ba yun?"

"Ang lalim siguro ng tulog namin kaya hindi agad kami nagising sa mga katok nung tauhan niya."

Hinimas ni Tiya ang kanyang baba. "Ipaliwang mong mabuti sa akin ang nangyari kagabi, Mira. At bakit nga ba Maya ang tawag nung binatang yun sa'yo? Itatanong ko sana pero bigla mo akong hinatak palabas ng mansiyon nila."

"Ipapaliwanag ko sa inyo mamaya, Tiya." Tamad na sagot ko.

"Ano nga ang nangyari kagabi?"

"Walang nangyari kagabi, tiya." Pagmamaktol ko. "Ang lakas nga po ng ulan kagabi, di po ba? Hindi kami makauwi sa malaking bahay dahil ang lakas din ng hangin. Nahirapan nga kami sa daan kanina dahil ang daming punong nagsitumbahan."

"Natulog kayong magkatabi." It was a statement.

"Wala kaming ginawang masama, Tiya. Nakita mo naman po ang hitsura nung tao."

"Ay oo. Kitang-kita ko. Gwapo, matangkad, matikas, parang modelo. Parang ang sarap niyang kayakapan. Pero mas kapansin-pansin ang mga lagkit niyang tingin sa'yo, Mirasol."

"Tiya naman." Napakamot ako sa aking ulo. I jiggled my knee up and down. Medyo naiinis na ako. "Hindi po yan ang tinutukoy ko."

"Ay ano baga?"

"He got sick last night, Tiya. Namumutla pa nga yun kaninang umaga."

"May sakit yun? Yung hitsura niyang yun na mas gwapo pa sa mga artista sa TV? May sakit pala yun?" May pagdududa sa kanyang tinig.

Hindi ko alam kung maiinis ako o matatawa sa deskripsiyon niya kay Romano. "Opo. Kaya paidlip-idlip lang ang nagawa ko magdamag dahil binantayan ko siya. He was shaking and I didn't know what to do. Pinupunasan ko lang po siya ng basang towel katulad ng ginagawa ni Mama kapag may lagnat ako."

"Hmmm...." Hinimas nito ang kanyang baba at nagsalubong ang kilay.

"Magkaibigan po kami. Magkaibigan lang po talaga."

Tiya Lorna stared at me longer than she should. Pagkatapos ay umiling ito at nanghihinang sumandal sa upuan. Tumitig ito sa kawalan.

"Si Romano ay may dugong Alcantara. Ikaw ay may dugong Cuevo. Bakit pakiramdam ko'y bumabalik ang multo ng nakaraan." She whispered.

Fortress Island Series 2 Romano: Can't We Try (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon