Malaya
"Ayoko, Ma."
Natigilan ang aking ina. "Ano ang ayaw mo, Mira?"
"Ayoko nang makita pa si Romano, Ma. Magkapatid kami pero...." Hindi ko matapos ang aking sasabihin. Imbes na harapin ulit ang aking ina, minbuti ko ang lumabas ng dressing room.
"Mira! Mira! Wait!"
Nilingon ko ito. "Hindi ito ang tamang lugar para pag-usapan ang sensitibong bagay na kagaya nito, Ma. At isa pa, halos isang buwan na ang nakalipas. Unti-unti na akong nakakaahon mula sa mapait na pangyayari. I'm slowly getting my life back, Ma. Kapag nakaharap ko ulit si Romano, hindi ko alam ang gagawin ko. Baka....baka wala na akong lakas pa na layuan siya. Sigurado ako sa sarili kong kapag nakita ko ulit siya, hindi ko na siya tatalikuran pa sa ikalawang pagkakataon."
"You don't understand, Mira. Kaya nga mas lalo natin silang harapin para matigil na ang lahat ng ito. Para matigil na ang paghihirap ninyong dalawa ni Romano."
"What for, Ma? Mangugulo lang tayo. Everyone is trying to heal from the sins we committed. From the wounds our parents made. From the sufferings we experienced. The pain still lingers here, Ma, in every fibre of my being—of my soul. Our hearts have been broken, and to tell you honestly, I don't think they will ever heal again. Facing them again is like adding insult to injury. Ayoko na, Ma. Tama na." Ang huling sinabi ko bago ko ako nagpatuloy sa paglayo.
With a heavy heart, pinagpatuloy ko ang naudlot na shooting. Lahat sila ay nag-alala sa inakto ko pero sinabi ko na lamang na dala lang sa ilang araw na pagod at puyat.
"Job well done, Mira." Bati ng director at iilang staffs sa akin nang tuluyang matapos ang shooting. "It's a wrap, everyone!"
We clapped our hands and congratulated everyone who gave their best para mairaos lang talaga ang proyektong ito na ilang beses naudlot dahil sa kagagawan ko. JK came to me and without giving any warning, he pulled me for a tight embrace. I didn't hold back and hugged him back. He had been guiding me all throughout the scenes even though I made commotions that halted his schedules. Ilang beses na-postpone ang pag-release ng kanyang single at album dahil sa kagagawan ko, pero sa kabila ng lahat, hindi ako nakarinig ng masasakit na salita mula sa mga staff at sa kanya.
"Are you feeling alright?" He asked, pagkatapos nitong humiwalay sa akin.
Tumango ako. "Maraming salamat sa lahat, JK. Kahit na inilagay kita sa alanganin, kahit napuwersiya kita dahil sa kahinaan ko, at kahit alam kong sumama ang loob mo, heto ka pa rin at hindi nagtanim ng sama ng loob sa akin."
He gave me smirk. "At one point, I understood you. Nagmahal ka lang, Mira. Lamang, nagmahal ka sa maling tao."
"Oh, trust me. It's much worse than you think, JK." If you'd only knew.
Nagkibit-balikat si JK. "Pagkatapos nito, what's next for you?"
"I've been casted for another MV, then, may meeting kami ng isang clothing company. For endorsement ata."
Umakbay ito sa akin at hinaplos ang aking braso. "I'm happy for you, chick. This is just the beginning though. Marami pang darating. A friendly reminder though, don't push yourself too much. Ayokong isang araw mabalitaan ko na lang na hinimatay ka dahil sa pagod."
I reached for his head and ruffled his hair. "Namiss ko yang mga ganyang advise mo. Thank you for the concern, but, I'm good. Don't worry. I'm stronger than you think."
"Hmm...let's see about that."
"What? Hindi ka naniniwala?"
JK sighed as he looked me in the eyes. "I'm still waiting for the light to come on in your eyes, Mira. They're lost and I still think that they've been hiding in the dark. You've been keeping them in the dark for so long. I wonder when will they come out?"
BINABASA MO ANG
Fortress Island Series 2 Romano: Can't We Try (BOOK 2)
RomanceThis is Fortress Island Series 2: Romano, Cant't We Try BOOK 2