THIRTEEN

2.4K 199 20
                                    

Disgust


Romano's POV

Napaatras ako at napatitig sa cottage na unti-unting nilalamon ng apoy. I did it. I fucking did it. I burned it. But the longer I stared at it, the stronger the pain I felt in my heart. Why? Why did it feel so wrong? My eyes stung from crying. Fuck, did I cry this much?

Gamit ang likod ng aking palad ay pagalit na nagpahid ako ng luha. My eyes wandered around. Ang mga tauhan ng villa ay nagsisigawan at nagtulong-tulong maapula ang apoy. How did they know? How did they come here so fast? Ah, siguro ay natimrebihan agad ng kasambahay.

Unti-unting bumigay ang mga haligi at kisame ng terrace. Malapit lang ang ilog at madali lamang sa mga tauhan ang makakuha ng tubig lalo na't organisado sila. Pero kahit anong bilis pa ang kanilang gawin, hindi nila maisasalba ang cottage. Hindi man tuluyang matupok ng apoy ito, it did not matter anymore. The damage had been done. It's unfixable.

"Romano!"

I blinked when I felt someone grab my shirt from behind. I lost my balance and toppled backwards to the ground. Manong Norman's face came down on me and fisted on my shirt. He was gritting his teeth, his eyes glaring at me.

"Anong ginawa mo?!"

Bumalik sa isipan ko ang tagpong nadatnan ko kanina. Umalingawngaw sa tainga ko ang mga narinig ko mula sa kanilang dalawa, ang dahilan kung bakit ko ito ginawa. Ang dahilan kung bakit galit ako. Nag-igting ang aking panga. Konting kalabit na lang at malapit ko na itong masuntok. Kung hindi lang talaga kay Maya, tiyak akong nagpang-abot na kami. Tinulak ko ito nang malakas at nabuwal ito sa lupa.

"Don't touch me! Don't you fucking dare touch me!" Hiyaw ko.

"Anak, Diyos ko, anong nangyari! Bakit nasusunog ang cottage mo!" In my peripheral view, I saw my mother sprinting towards me. Nang makalapit, lumuhod ito sa aking gilid at hinawakan ang aking magkabilang pisngi. "Are you hurt? Are you in pain?"

I angrily removed her hands from me. I glared at her. "I hate you, Ma. I hate you so much."

Her mouth fell open from my words. Pain crossed her face as she trembled. "What did I do, Romano?"

"You're a liar. I can't believe a have a bitch of a mother like you."

She gasped loudly. "What—what did you say?"

"Romano!" Pagalit na sita ni Manong Norman.

"I heard you. I heard your conversation with him. I saw the two of you making out." My voice breaking, pinaglipat-lipat ko ang tingin sa kanilang dalawa.

"Oh, my God." Umiling-iling ito habang lumalayo sa akin. Sapo nito ang kanyang ulo at panay ang kanyang singhap. Kahit madilim ang paligid at tanging ang apoy mula sa cottage ang nagsisilbing liwanag, alam kong namumutla ang aking ina.

"I'm so sorry." She uttered while sobbing. "I'm so sorry, anak. Patawarin mo ako."

Manong Norman came to her side. Hinawakan niya si Mama sa balikat, giving her support.

"I don't want to see you. I don't want to see both of you." Nanlisik ang mata ako sa kanilang dalawa. They had the audacity to show their affections for each other in front of me. Hindi na sila nahiya na may mga tao sa aming paligid.

"Humihingi ako ng patawad, Romano." Salita ni Manong Norman. Nagmamakaawa ang kanyang mga tingin sa akin. "Marami akong nais sabihin sa'yo. Marami akong gustong ipaliwanag at ipaunawa sa'yo anak, pero hindi ito ang tamang pagkakataon."

"Wala akong papakinggan sa inyong dalawa. Sapat na sa akin ang narinig ko kanina. Pero wag kang mag-alala, wala akong babanggitin kay Maya. Sa'yo dapat manggaling ang katotohanan at hindi sa akin. Ang laki ng respeto niya sa'yo. Ang laki ng pagmamahal niya sa'yo pero ang katotohanang ito ay tiyak akong ikadurog niya. Pero tinitiyak ko sa'yo, I'll be right beside her para alalayan siya. Handang ibigay ang buong lakas ko kung kailangan niya." Matigas na tugon ko.

Fortress Island Series 2 Romano: Can't We Try (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon