Friend
Days passed by so quickly. At sa bawat araw na iyon ay madalas ang pagkikita namin ni Romano. He would sometimes come to my aunt's house to hang out. Minsan naman ay ako ang nasa mansiyon nila at doon ako madalas kumakain ng tanghalian. Syempre, malakas ang loob kong pumasok sa malaking bahay dahil wala naman doon ang Mama ng lalake. Medyo ka-vibes ko na rin ang kanilang mga katulong at lagi akong nakikipagkwentuhan sa kanila.
Hindi ko pa nakita sa personal ang Mama ni Romano. Sa pictures ko lang nakita ang buong pamilya nito. I made a comment of how handsome his older brother was, and just like that, he ignored me for like an hour. Gusto kong mainis sa kanyang reaksiyon but I found myself laughing at him. Romano was so darn cute when he's being jealous. We would spend time in their garden at pagkatapos ay tutungo na kami sa burol para hintayin ang paglubog ng araw.
"Anong kulay ang bagay dito?" Tanong niya sa akin.
Pareho kaming nakadapa sa picnic blanket. I was busy with my drawings while Romano spent his time coloring my finished subjects. Sumulyap ako sa hawak nitong papel.
"Hmmm....sa isip ko ay dapit-hapon ang oras na ito. I guess, orange for the sky. I would prefer lightest shade from this area and then use a subsequent darker layer on this part to create a fading effect." Turo ko sa bandang bundok kung saan papalubog na ang araw.
Tumango ito at pagkatapos ay nilingon ako. Pinatakan niya ng halik ang aking noo. "You're very good at this, babe."
"Naman." Ani ko. Romano and I became close that every time he would kiss me on the forehead, hindi na ako umaangal pa. Parang normal na lamang iyon sa akin. In fairness to him, he never tried crossing the line. Hanggang halik sa noo, yakap at hawak sa kamay lang ang ginagawa niya sa akin. He was being gentle to me. He would make sure na hindi ako maaasiwa sa mga overture niya. Romano was a gentleman through and through. Nabatid ko iyon sa paraan ng pakikipag-usap niya sa kapwa. He's friendly to everyone. So far, hindi ko pa ito nakitaan ng masamang pag-uugali. He's also respectful towards Tiya Lorna and Papa. Speaking of my father, bihira na lamang kaming magkita ngayon. Madalas ay lagi ito sa Lipa. Marami daw kasing pinapautos ang Mama ni Romano na nasa isla pa hanggang ngayon.
Namili si Romano ng angkop na kulay sa loob ng malaking box sa aming harap. Looking at it, naalala ko ang nangyari kahapon. Tumungo kasi kami sa bayan para mamili ng crayons. He chose the most the expensive brand available. Saglit pa kaming nagtalo dahil ayoko nga ng mamahalin dahil hindi ko afford.
"Wala akong dalang sapat na pera, Romano." Inis na turan ko.
"I have my cards and enough cash in my pocket. Don't worry."
"Romano, nagpapasama lang ako. Hindi ko sinabing ibili mo ako."
"Maya, sinasamahan kita at gusto kong ibili kita ng gusto mo. Buti nga crayons lang ang ibibili ko."
"Bakit, may iba ka pa bang bibilhin?"
"Oo. May bibilhin sana ako doon para sa'yo." Ininguso nito ang labas.
Kumunot ang noo ko. I was sure he was pointing at the famous jewelry shop across the bookstore. Yun lang din kasi ang nag-iisang shop sa tapat at wala nang iba.
"What's in your mind, Romano?" Curious na tanong ko. He was casually choosing pens and answered me without looking. "I think of buying you a ring and asking you if you'd like to marry me three years from now."
I made a silent scoff. Sarap batukan ng lalakeng 'to. "Don't you dare think about it, Romano. Iniisip ko pa lang ay kinikilabutan na ako. Puro kalokohan talaga laman ng pag-iisip mo."
BINABASA MO ANG
Fortress Island Series 2 Romano: Can't We Try (BOOK 2)
RomanceThis is Fortress Island Series 2: Romano, Cant't We Try BOOK 2