NINE

2.4K 153 15
                                    

Sail

I was rubbing my eyes as I headed to the kitchen. Ilang oras lang ang naitulog ko kagabi kakaantay ng message ni Romano. Pagkatapos niya kasi akong ihatid sa bahay kagabi, hindi na ito umakyat pa at nagpaalam agad na uuwi na sa kanila. He received a text while we were on our way home and I could tell his mood changed drastically from then on. Gusto ko sanang itanong kung sino ang nag-text pero tinikom ko na lang ang aking bibig. Ayoko kasing isipin ni Romano na masyado akong mausisa sa pribado niyang buhay.

I was expecting him to send me a good night message like he would always do. Pero kagabi ay hindi ako naka-receive ng text sa kanya. He never missed a day sending a message telling me he arrived home unscathed. Hindi ko tuloy maiwasang mag-alala. I did try to ring him, but he was out of reach. Maalala kong kagabi ay nabanggit nito na malapit nang mawalan ng power ang phone niya. Inisip ko na lang na baka pagdating niya sa kanyang bahay ay nakatulog na agad ito at hindi na nagawa pang i-charge ang kanyang mobile phone.

When I woke up this morning, it was already past nine o'clock. Nagmadali pa ako sa pag-check ng phone ko pero bumagsak lang ang aking damdamin dahil ni isang text ay walang galing sa kanya. I shouldn't get my hopes up. Pakiramdam ko tuloy ay may mali akong ginawa sa kanya. Dahil ba sa unti-unti na akong nag-o-open up sa nararamdaman ko ay na-turn off siyang bigla sa akin? Romano was very consistent from the start. I refused to think I was played on.

Hinanap agad ng aking mata si Tiya Lorna. Hindi ko ito masumpungan sa kusina. Umalis kaya ito? May pagkain na sa mesa na tinakpan ng food cover. Tiyak akong para sa akin ang mga iyon. Kumalam ang sikmura ko. Gusto ko sanang maupo at lantakan ang mga iyon pero kailangan ko munang hanapin si Tiya para humingi ng dispensa. I was a morning person not until today.

Sumilip ako kanina sa bintana ng aking kwarto at tiyak akong wala sa bakuran si Tiya. Baka nasa likod at naglalaba o di kaya nagsasampay. Hindi ito gagawi sa Talipapa dahil noong isang araw lang kami namili ng mga pagkain para sa ilang araw na kunsumo.

I walked towards the back door of the house. Habang papalapit ako doon ay nakarinig ako ng mga boses. Napagtanto ko na may tao sa likod. May bisita ba ang aking tiyahin?

"Ano ang balak mo ngayon, kuya Norman?" Rinig kong tanong ni Tiya. She mentioned my father's name. Nandito na ba sa Lobo si Papa? Samantalang ang sabi niya sa akin kahapon ng umaga ay sa makalawa pa ito uuwi?

"Hindi ko pa alam, Lorna." My father sighed.

Sumilip ako sa screened door at nasumpungan ko ang magkapatid na parehong nakatayo at nakatalikod sa akin.

"Anong hindi mo alam, kuya? Ilang beses na kitang binalaan na kapahamakan lang ang maidudulot niyan sa pamilya mo. Dapat ay hindi ka na nagpakita pa sa kanya. Ilang taon na ang nakalipas, kuya Norman. Hindi ka pa rin ba nakaka move-on?"

"Trabaho lang naman talaga ang importante sa akin, Lorna. Hindi ko lang inaasahan na..."

Umiling si Tiya at tinapik sa balikat ang aking ama. "Na pati ang damdamin mo sa kanya na akala mo'y matagal mo nang naibaon sa limot ay bumabalik? Kuya, wag mo nang pahirapan pa ang sarili mo. Alam nating pareho kung ano ang kahihinatnan nito. Wala kang laban, kuya. Wala kang napala noon, higit lalo na ngayon. Alam mo ang dapat mong gawin."

"Alam ko, pero hindi ko kaya....."

"Kuya!" Napataas ang boses ni tiya and I flinched at her angry voice. Kailanman ay hindi nagtaas ng boses si tiya sa kapatid, ngayon lang. "Ano ka ba, kuya! Kaya mo! Nakaya mo noon, makakaya mo ulit ngayon! Wala ka na bang natitirang respeto sa sarili mo? Utang na loob, kalimutan mo na siya. Isipin mo ang damdamin ng iyong anak, kuya. Dapat ay hindi ito manggaling sa akin pero kung may natitira ka pang pagmamahal kay Sylvia, bumalik ka sa kanya. Deserve ni Mira na buo ang kanyang pamilya. Alam kong mapapatawad ka ni Sylvia, kuya, katulad nang kung paano mo siya pinatawad sa mga pagkukulang niya sa'yo. Hindi ako naniniwalang wala ka nang pag-ibig pa sa kanya. Naguguluhan ka lang siguro. Wag kang maging alipin ng kahapon, kuya Norman. Ibaon na natin ang lahat sa limot."

Fortress Island Series 2 Romano: Can't We Try (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon