FIVE

3.2K 182 11
                                    

Crush


Ilang minuto na ang lumipas buhat nang umarangkada ang sasakyan ngunit kahit isa sa amin ay walang may gustong magsalita. Hindi ko sinagot si Romano sa tanong niya kanina. Because I didn't know how to answer him, I pushed him instead. I got out of the car as fast as I could.

Hustong may lumabas na katulong mula sa mansiyon at dali-dali kong nilapitan iyon. I made an excuse if I could have a glass of water. Sinabi kong si Romano ay nasa loob ng sasakyan at hindi ko alam kung ano ang ginagawa pero malamang sa malamang ay sa akin tiyak iyon nakatingin.

Papasok na sana ako sa mansiyon nang siya namang paglabas ni Papa mula sa loob. Magalang akong nagpasalamat sa katulong at sinabi kong may tubig nga pala akong baon, which is true.

I rounded the car at binuksan ang passenger seat. Hindi ako uupo sa backseat na katabi si Romano. Hindi ko pa napapakalma ang aking dibdib at tingin ko'y hindi ito kakalma sa buong durasyon ng biyahe.

"May balak ka bang sumunod sa isla, Romano?" Basag ni Papa sa katahimikan.

"Baka po sa susunod na linggo." He replied.

"Sa isla ba mag-se-celebrate ng kanyang kaarawan si Alejandro?"

"Tiyak po yun, manong Norman. My brother loves the island so much. Kahit bihira lang umuwi ng Pinas si kuya, he always makes sure na doon siya sa isla magbi-birthday."

"Naikwento nga sa akin ng Mama mo. Buti at pinagayan ka ni Senyor Arturo na magpaiwan sa Maynila. May naiwan ka bang gawain sa Batangas?"

Nilingon ko si Papa. Binanggit nito ang pangalang 'Arturo'. Yun ba yung Arturong tinutukoy ni Mama? Ang Arturong iyon ay ama ni Romano? Kilala ba ni Mama ang pamilya Salvatore? Imposible. Baka ibang tao ang tinutukoy nito.

Tinitigan ko si Papa na sa kalsada nakatuon ang atensiyon. Sumikdo ang dibdib ko sa mga agam-agam na pumasok sa aking isipan. Gwapo ang Papa ko. Kahit lumaki ito sa hirap, hindi yon naging kabawasan sa kakisigan nitong taglay. Kahit sa edad nito ngayon, kahit sumisilip na ang iilang puting buhok, matikas pa rin tignan ito. Hindi mataba at hindi rin payat ang Papa ko. Mukha nga lang itong nasa late thirties, e.

Pero ang pagduduhan ito ni Mama na may ibang babae at sa lahat ng babae ay si Senyora Leonora pa talaga, hindi iyon kapani-paniwala. Hindi ba alam ni Mama na magkababata si Papa at si Senyora base na rin sa kwento ni Tiya Leonora?

Hindi papatol si Papa sa kanyang amo at higit sa lahat sa babaeng may asawa na. Gusto kong magalit kay Mama sa pag-iisip ng ganun kay Papa. Clearly, she really didn't know my father at all. Kumurap ako nang magsalita si Romano.

"Okay lang po yun kay Papa Arturo. Hinahayaan niya ako magdesisyon sa mga gusto ko ever since I could remember." Sinabayan niya iyon ng bahaw na tawa.

I wanted to turn my head to him. I did not know why but I sensed heaviness in his tone. It was as if he remembered something that was upsetting.

I tilted my head and his eyes instantly locked on mine. His lips were stretched in a smile.

"At isa pa, hindi ako nagsisisi na nagpaiwan ako, manong. As a matter of fact, I've never been as happy as I am now, because I finally followed my heart's desire. Ang saya ko." Bakas na ng galak ang boses nito pero ang mga mata ay nanatili sa akin. My father was eyeing him from the rearview mirror. Gusto ko mang bawiin ang aking tingin sa kanya ay hindi ko magawa. The way he's smiling at me right now somehow melted my heart. I got worried for a second thinking that he was feeling hurt somewhere. Hindi naman pala.

"At ano ang nais ng iyong puso, hijo?" Tanong ni Papa.

"Ang umuwi ng Batangas, Manong. Plano ko talagang umuwi ng Batangas kapag natapos ko na ilang summer activities ko sa school."

Fortress Island Series 2 Romano: Can't We Try (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon