FOURTEEN

3.1K 181 29
                                    

Villain


"Mira, hija."

Hilam sa luhang napatingin ako kay Senyora. Bakas ang lungkot sa kanyang mga mata. Gaya ko, she's crying, too. She cupped my cheeks, her hands trembling.

"I'm so sorry for everything, Mira. I wish I could turn back the time. I would not have done the things I did before. Kasalanan ko ang lahat kung bakit nasasaktan kayo ngayon. I committed a sin, and I should be the one paying for it, but instead, ang mga anak ko ang nagdurusa sa mga nagawa kong pagkakamali."

"Senyora." Humikbi ako. "Gusto ko sana kayong intindihin pero naguguluhan po ako sa mga nangyayari. Hindi ko alam bakit galit na galit si Romano sa akin. I have no idea what I did that made him so furious. Ang alam ko lang ay ang hindi ko pinaalam ang totoo kong pangalan sa kanya. Hindi ko naman intensiyong lokohin siya."

Umiling si Senyora. "He's not mad at you. He's mad at the situation he's in. Mira, nakiki-usap ako, layuan n'yo ang isa't isa." Ginagap nito ang aking dalawang palad at bahagyang pinisil.

Kumunot ang noo ko. "Alam kong ayaw n'yo sa akin dahil hindi ako galing sa mayamang pamilya, Senyora. Pero mahal ko po ang anak ninyo. Wala po akong intensiyon na perahan siya."

"No. It's not about that. Kahit ikaw pa ang pinakamahirap na babae sa mundo at mahal ka ng anak ko, you will not hear a word from me. I'm done mingling with my children's affairs. After I broke Alejandro's heart by taking Bea away from him, I realized, money is powerless. Sana noon ko pa napagtanto na ang kaligayahan ng mga mahal ko ang pinakamahalaga sa buong mundo."

"Tinitiyak ko po sa inyo, nagmamahalan po kami ni Romano. We fell in love seven years ago, we still do now."

She shook her head as another sob escaped her throat. Suminghap ito ng malalim. "You're not meant to be together. There's no way you can be together, Mira. Naipapagkamali n'yo ang nararamdaman n'yo sa isa't isa. You love each other, yes. But it's a different kind of love."

My shoulders slouched as I looked at her closely. "With all due respect po, wala po kayo sa posisyon para sabihin yan. Hindi n'yo alam kung ano ang nararamdam ko kay Romano. Kung gaano siya ka-espesyal sa akin. Kung gaano kasidhi at kapuro ang pag-ibig ko sa kanya. Words could not even describe how I truly feel for him. I'm in love with your son and so does he to me, Senyora. If this isn't love, then I don't know what is."

"Mira." She swallowed the lump behind her throat. Pumikit ito ng mariin. "Forget my son. Para na rin sa ikakabuti mo. Please, Mira. You and Romano...imposibleng maging kayo."

"Hindi ko kayo naiintindihan! Ipaliwanag n'yong mabuti sa akin! Hindi kami naligtas sa sunog at binigyan ng pangalawang buhay para lang magdusa ng ganito, Senyora. Si Papa, alam niya na nagmamahalan kami ni Romano. Niligtas niya kami at namatay siya para sa aming dalawa. Yan ang paniniwala ko."

"No..." She pulled me and hugged me tight. Dahil wala na akong lakas at durog na durog ang puso ko sa mga nangyayari, hindi ko magawang lumayo sa kanya. "Tinitiyak ko sa'yo, kung buhay ang iyong ama ay siya ang unang-una na tututol sa relasyon ninyo ni Romano. Alam kong mahirap dahil malalim na ang pinagsamahan ninyo ng anak ko, alam kong may nangyari na sa inyong dalawa...." Gumaralgal ang boses nito. "Patawarin tayo ng Diyos, Mira. Pero hindi ako papayag na ipagpatuloy mo ang pagmamahal sa kanya." She cupped my face once again. "Narinig mo si Romano, ayaw na niya. Ayaw na niya na magpatuloy kayo."

Umiiling ako. "Hangga't hindi ko alam ang rason kung bakit, hindi ako titigil sa pagmamahal sa kanya."

"Goodness! You're so stubborn, Mira! It's for your own good! Mas ikakasira mo kapag nalaman mo ang rason kung bakit nilalayuan ka niya! He's protecting you!"

Fortress Island Series 2 Romano: Can't We Try (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon