Chapter 8: Magic Lesson. [√]--
Trixia's Point of view.
Halos isang oras na din kaming naghihintay na dumating ang kaibigan ni Maica ngunit hanggang ngayon wala pa rin ito. Sa oras naming paghihintay namayani ang katahimikan na kahit si KC ay walang masabi. Kailangan kong umaksyon, I can't stand this awkwardness.
"Maica what are your friends like?" Naunahan ako ni KC, ngumiti agad ako kay Maica.
"Mamalaman niyo din mamaya." She replied. "Mukhang matagalan pa tayo sa paghihintay, ipapaliwanag ko muna sa inyo ang tungkol sa mahika."
All of our attention was on her, eager to fill our thirst for answers. Nakakamanghang bagay ang mahika, sinong ayaw makinig ukol dito?
"May tatlong klase ang mahikang maari nating taglayin. Una ang Primary Magic, it's the most common and easy to manipulate kind of magic. Seventy percent of the population here in Mahonotopia uses Primary Magic. Ang mga halimbawa ng Primary Magic ay gaya ng healing magic, telepathy, teleportation."
"Ang pangalawa naman ay ang Secondary Magic, may kahirapan gamitin ang mahikang ito. Twenty-eight percent of the population in Mahonotopia uses Secondary Magic. Gaya ko! Karamihan dito ay kayang manakit sa iba na maaring bumawi ng buhay at makawasak ng ari-arian. Ang mga halimbawa nito ay Word Magic, Ice Magic, Puppet Magic. Karamihan ng nandito sa guild secondary magic ang tinataglay habang ang karamihan ng ordinaryong mamayan ay Primary Magic." Masusing tugon ni Maica, napunan nito ang aking uhaw pero hindi pa ito sapat.
"Ano 'yong isa? Hindi ba sabi mo tatlo ang klase ng mahika?" I asked in desperation for answers.
"Ang panghuling klase ng mahika ay ang Lost Magic. Ito ang pinakamahirap gamitin at taglayin sa lahat ng mahika, kaunti lamang ang nagtataglay nito. Only two percent of the population in Mahonotopia uses Lost Magic, mostly people with this kind of power hide themselves. Dahil ang Lost Magic ay napakamapanganib, kung hindi mo ito maayos na makontrol ay maari kang magwala at maari mong masaktan ang mga mo mahal sa buhay. Yet you can easily conquer other mages as your magic have the upperhand but you gotta pay the price for power!"
Nakakaawa ang mga mages na taglay ang Lost Magic, paniguradong palagi silang nag-iisa. Ang hirap kayang maging loner, wala kang kausap at walang magtatanggol kapag may umaapi sa 'yo.
"Maica, paano naman magkaroon ng mahika. Namamana ba 'yan?" Pahabol na tanong ni KC, kahit siya ay interesado na rin.
"Well, dalawa lang ang tanging paraan para magkaroon ka ng mahika. Una sa pamamagitan ng training, ito ang pinakamabisang paraan. Ako mismo ay nag-ensayo upang mas mabihasa ako sa paggamit ng aking mahika dahil pwede kaming magwala kapag hindi namin makontrol ang aming mahika ng mabuti. Maliit lamang ang tiyansa na magkaroon ka ng Lost Magic sa pamamagitan lamang ng training."
"Habang ang pangalawang paraan ay napakahirap. It's through pain and suffering, pwede rin through extreme shock. Dumaan ka sa malaking delubyo na umabot sa puntong hindi mo kayang tanggapin ito. Ang mahika na mismong pipili sa 'yo, basta ang gagawin mo lang ay palabasin ito at sanayin. You can also obtain through extreme happiness, kaso maliit ang tiyansa na mangyari ang mga ganitong bagay. Seventy percent is through pain and suffering, ten percent is through extreme happiness and lasty twenty percent is through the genes of your parents. Namamana rin kasi iyan."
Iba't-iba ang aming naging reaksyon sa mga sinabi ni Maica. Napaka-komplikado ng mahika, lalo na ng Lost Magic!
"Maica, may kilala ka bang wizard na nagtataglay ng Lost Magic?" I asked with curiosity. Tumango naman agad siya upang kiminang ang aking mga mata.
BINABASA MO ANG
Auksrytia || The Lost Key And The Gems Of Pure Heart.
FantasyIsang estranghero puno ng misteryo ang bumago sa kanyang buhay. Matatanggap kaya niya kung sino ba talaga siya o iisiping siya'y pinaglalaroan lamang? Siya si Trixia Ciara Amira Duke. Isang huwarang kapatid, mapagmahal at malaki ang puso pero hindi...