Chapter 28: Her Story[✓].
--
Trixia's Point of view.
"Rim, okay lang ba si Maica?" Tanong ko kay Rim na kasalukuyang tinitingnan ang lagay ni Maica.
"Oo, nawalan lang siya ng malay dahil naubos lahat ng enerhiya niya." Nakahinga naman ako ng maluwag, mabuti't nasa maayos na kalagayan si Maica.
"Hindi ko ini-expect na magiging ganito pala kalakas si Maica."
"Syempre!" Rim proudly said as he carried Maica towards the dome bridal style.
Ang sweet naman ni Rim kay Maica, perfect couple talaga! Kailan kaya ako magkakaroon ng taong aalagaan at pro-protektahan ako na parang dyamante?
"Trixia!" Napabalik ako sa realidad dahil sa tawag ni Rim.
Nagmadali ako naglakad patungo sa kanya, natapilok pa talaga ako kahit hindi naman ako nakatakong. Pashneyang hangin 'to!
As we continued to walk pansin kong nahihirapan si Rim sa pagbuhat kay Maica dahil sa lakas ng hangin sa paligid. Napatingin ako sa aking likuran, patuloy ang banggaan ng dalawang pwersa na parang nagdu-duelo.
"Frost! Blake! Tulongan niyo kami!" Sigaw ko at naghintay ng ilang segundo ngunit walang may lumabas sa IceDome.
"It's useless, hindi nila tayo maririnig dahil sa lakas ng hangin." Napakamot na lamang ako sa aking ulo at tinulongan ko siyang buhatin si Maica.
Nang malapit na kaming makarating sa Icedome ay doon palang lumabas si Blake. Halata sa mukha niya ang pagkagulat dahil sa kanyang nakita, mabilis siyang nagteleport sa aming gawi. Hinawakan niya ang balikat namin ni Rim kasabay no'n ang pagteleport namin sa loob ng Icedome.
"Salamat sa Dyos!" Sabi ko at natumba sa sahig dahil sa pagod.
"Trixia, haggard mooo! Look at your hair gurl." Napatingin ako sa aking buhok ko, gaya ng sinabi ni KC ang gulo nga ng buhok ko.
"Pabayaan mo na, penge suklay." Hinihingal na sabi ko sa kanilang dalawa pero tinawanan lang ako ng mga bruha.
"Anong nangyari sa inyo Rim? At bakit nawalan ng malay 'tong si Maica?"
"She used all her strength to save us, naubos ang lahat ng mahika niya sa katawan."
"Okay lang ba siya?" Nag-aalalang tanong ni Ara, napa-irap nalang si KC.
"Mabuti't hindi nalagay ang buhay sa peligro."
"Oo, pero kailangan niya paring ipagamot." Alalang sabi Rim na parang siya mismo ang nasasaktan.
"Huwag kayong mag-alala maraming magagaling na manggagamot dito sa lugar namin." Napalingon kaming lahat sa babae dahil sa kanyang sinabi. "Isa itong mumunting tulong dahil sa pagligtas niyo sa buhay ko."
"Maraming salamat."
"Walang ano man."
"Arigato!"
"Arigato?" Takang tanong nito kay KC.
"Salamat in japanese."
"Japanese? Anong lahi iyon?"
Napatawa na lamang ako ng bahagya dahil sa kanyang sinabi. Halatang nalilito siyang sa kalokohang pinagsasabi ni KC.
"Pinagloloko kalang ng dalawang 'yan. Ako nga pala si Trixia, ikaw si?" I sweetly asked, she then smiled at me.
"Ako si!" Sigaw bigla ni Hannah.
"Ako si! Ricardo Dalisay!" Pabaklang sambit ni KC kaya't kinurot ko ang kanyang tagiliran.
BINABASA MO ANG
Auksrytia || The Lost Key And The Gems Of Pure Heart.
FantasyIsang estranghero puno ng misteryo ang bumago sa kanyang buhay. Matatanggap kaya niya kung sino ba talaga siya o iisiping siya'y pinaglalaroan lamang? Siya si Trixia Ciara Amira Duke. Isang huwarang kapatid, mapagmahal at malaki ang puso pero hindi...