Chapter 41: Bad News.--
Trixia's Point of view.
"Sabi pa ni Maica, 'feel the wrath of the gem of Respect'. Tapos lumabas 'yong geminate! Tapos pumasok 'yong sound effects! Owaahhh, owaahhh! May pa-sangre na fart!"
Nagtawanan kaming lahat dahil sa bunganga ni KC. Nagkakaroon ngayon ng isang malaking salo-salo malaking dinning area ng palasyo upang i-celebrate ang panalo namin.
Oo, nakuha ni Frost ang Gem of Loyalty. Sa una hindi ako makapaniwala, pero noong ipinakita na sa amin ni Frost doon na ako naniwala.
Dalawang dyamante ang meron na kami ngayon. Malaki din ang tiyansa naming makuha pa ang iba dahil sa tulong ng Cricraf Region.
"And then what happened?" Masayang tanong ng Reyna na aliw na aliw kay KC.
"Inupakan ni Maica 'yong gurangs na 'yon! May eklabo chuchu siyang ginamit para ma-control ang mga halaman sa pigid. Si gurang naman hindi kinaya ang powers ni Maica kaya ayon nag-running Marathon!"
"Mabuti kung gano'on, nagagamit mo na pala ng maayos ang dyamante sa maikling oras lamang." Puri ng Mahal na Hari kay Maica upang mapa-ngiti ito.
"Maraming salamat pi Mahal na Hari, pagbunutihan ko pa lalo."
"Ummhhh..." Nagtingan kaming lahat kay Hannah dahil sa ginawang ingay nito. "Mahal na Hari pwede ba akong humingi ng pabor sa inyo?" Sabi ni Hannah.
"Ano naman 'yon?"
"Gusto ko pong makabalik sa lugar kung nasaan talaga ako." Sagot ni Hannah na ikinagulat namin.
Ayaw niya na ba sa paglalakbay na 'to?
"Saan naman iyon Hannah?"
"Sa Earth po."
"Very well."
"Hannah, ikaw lang ba mag-isa ang taga-earth?" Usisa pa ng Mahal na Reyna.
"Kasama ko po sina Trixia at Hannah." Tiningnan namin siya ni KC upang 'di pagsang-ayon.
"Gano'on? Sige, maghahanap ako ng tao na mamakatulong sa inyo."
"Huwag na Mahal na Hari, ako na ang bahala." Singit ni Frost.
"Paano mo naman kami matutulongan Frost?" I asked in curiosity. Sa totoo lang ayoko ko nang bumalik sa amin.
Matapos ko kasing malaman na hindi pala ako ordinaryong tao kun'di anak ng isang maharlika natanggap ko na ang kapalaran ko. I still have a mission to accomplish, ayoko ko din mamaalam ang Ina ko.
Pero kahit gano'on na ang desisyon ko, I still miss my old life. Kahit na dakila akong alalay sa amin may mga masasayang alala din ako sa Earth.
"Nasa earth ang natitirang dalawang dyamante. Ang Gem of Heart of Acceptance at Gem of Pure Love."
"What?!" The three of us shouted in unison shockly.
Unang ibinigay sa akin ang mapa ng misteryosong lalaking 'yon pero hindi ko pa talaga 'yon natingnan. All this time, may paraan pala para mabalik sila KC sa earth?
"Ba't ngayon mo lang sinabi 'to sa 'min Frost?" Tanong ko habang loko siyang nakangisi.
"Sorry, balak ko sanang sabihon sa inyo kaso naisipan kong i-suprise kayo." Sagot ni Frost.
"Aww..." Sabi ni KC na ginagawa ang boses ni Kris. "Eng sweet me pele Fefe Frest. Ehe!"
"Ibig sabihin pala nito hindi na namin hahanapin ang lalaking nagdala sa amin dito?" Masayang tanong ni Hannah.
BINABASA MO ANG
Auksrytia || The Lost Key And The Gems Of Pure Heart.
FantasyIsang estranghero puno ng misteryo ang bumago sa kanyang buhay. Matatanggap kaya niya kung sino ba talaga siya o iisiping siya'y pinaglalaroan lamang? Siya si Trixia Ciara Amira Duke. Isang huwarang kapatid, mapagmahal at malaki ang puso pero hindi...