JTAW#13: Failure.

3.1K 78 9
                                    


Chapter 13: Failure. [✓]

--

Trixia's Point of view.

"We're here everyone!" Tugon ni Frost na nagmamaniho sa labas.

Sa wakas nakarating din kami, dumikit na ata ang aking pwet sa upoan dahil sa tagal ng pagkaka-upo. I really hate traveling, mabuti nga't hindi jeep ang sakay namin kun'di nasuka na siguro ako.

"Guys, take a look! Ang ganda talaga ng Crotia City!" Sambit ni Maica na manghang-mangha habang nakalabas ang kanyang ulo sa bintana.

Nagmamadali kong inilabas ang aking ulo sa bintana upang tingnan ang sinasabing tanawin ni Maica.

"Wow!" I said in awe, I've never seen such beautiful thing!

Especially the orange like sunset, malapit na kasing gumabi bago kami makarating dito. Pansin mo din sa paligid ang raming iba't-ibang uri at kakaibang bulaklak na naka-display sa arkong naroon. It says, Welcome to Crosia, the City of Flowers.

Hannah and KC woke up because of the commotion that's happening, gaya ko namangha sila.

"Beshie, ang ganda ng lugar na 'to! Ang raming bulaklak material, gawa tayo ng flower crown mamaya!"

"Kaya nga tinawag na City of Flowers." Sarcastikong tugon ni Hannah habang patuloy na nililibot ng kanyang mata ang napakagandang paligid. "Pero sige, let's making flower crown!"

Matapos naming lagpasan ang entrance ay umupo na agad silang lahat at nagsimulang magkwentuhan habang patuloy kong inaaliw ang aking sarili. Ini-enjoy ko pa ang tanawin, I've never been to the countryside and it's my first time seeing stuff like this cause we never really do vacation. Sapat ang may makain kami sa tatlong araw, masaya na kami sa simpleng bagay na 'yan.

Patuloy ang pag-usad ng karwahi, marami kaming nakitang mga mamayang abala sa kani-kanilang buhay. Kahit isa na itong magarbong siyudad ay marami pa ding bulaklak sa paligid. Most of the stalls here are flower shops, mukhang ito ang ikinabubuhay ng mga narito. Most of the people here must be civilised, idagdag mo pa ang kalinisan ng paligid.

"Maghahanap muna tayo ng matutuloyan, doon tayo makapag-pahinga. Bukas na natin simulan ang misyon." Frost said through the hole that made us connected.

Makalipas ang ilang minuto, huminto ang karwahi at isa-isa kaming lumabas. Pumasok kami sa isang malaking hotel, mukha itong mamahalin.

"Ang team Mystic ba 'yan? Anong ginagawa dito?"

"Kyaaah!! Ang gwa-gwapo talaga nila!"

"Sino ang dalawang babae at lalaking kasama nila?"

Iyan ang mga narinig kong bulongan sa paligid habang kami'y naglalakad patungo sa receptionist. I can't resist but watch in vain as Blake waves his hands to every girl he sees, it's disgusting! Tiling-tili naman sila, I just minded mind own business.

After paying the receptionist gave Frost the key to our rooms, one for the boys and the other for the girls. Kasama namin si KC sa girls, baka kung ano pang gawin no'n.

"Rest well everyone para may lakas tayo bukas. May dinner nga palang ihahatid sa inyo mamaya." Anonsiyo ni Frost sa amin bago kami pumasok sa aming kwarto.

I eventually jump to the bed as soon as I saw it, kanina ko pa gustong matulog ng maayos. Humiga ako ng maayos at tumingin sa paligid, ang ganda at ang laki ng kwarto na 'to. May dalawang kama'ng kasya nasa dalawa, may sarili itong kusina at living room. Ngayon lang ako nakapasok sa ganito ka-sosyal na hotel.

Auksrytia || The Lost Key And The Gems Of Pure Heart.  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon