JTAW#57: Fairies

1.1K 27 0
                                    

Hi guys, sorry at ngayon lang ulit ako nakapag-upadate after a week. Masyado kasing busy, wish me luck nga pala sa NCAE namin bukas December 12-13, 2018.

Ps. Kinabahan ako baka mababa ang makuha kong grade. Magpasalamat nga pala kayo sa aming mga G9 dahil wala kayong klase ng dalawang araw.

Chapter 57: Fairies.

--

Trixia's Point of view.

"Are you a real fairy?" Tanong ko na parang 'di makapaniwala.

"Yes, Princess. Do I look like I'm joking?" Napa-iling ako sa naging sagot niya.

"Bakit ka nandito?"

"It's just that I happen to smell something familiar. I never expected any of these to happen." Bulalas pa ng Fairy. "By the way I'm Lejaby Morie Miller."

"Lejaby? What a unique name." I said and complimented her.

"Thanks Princess, it's an honor."

"Sandali, paano mo nalaman na isa akong maharlika?" Takang tanong ko. I've never told anyone about my identity and only a few knows who really I am.

"I can sense it Princess, we fairies have this instincts." Sagot nito sa akin.

"Trixia!" Tawag ni Maica sa akin upang matigilan ako. "Anong ginagawa mo diyan?"

"Are you talking to yourself o sa puno?" Tanong ni Ara upang mapalingon ako.

"H-hindi, may tinitingnan lang ako." Ilang na sagot ko pa.

"You'd betting hurries Trixia, or you nothing eating." Bilin ni Hannah sa akin upang marinig kong humagikhik si Lejaby.

"Okay, I'll be there in a second." Sagot ko at napatango sila.

Mukhang kakain na sila dahil mukhang malapit nang matapos magluto ang mga lalaki kasama si KC at tapos nang mag-set ng lamesa ang mga babae. Kailangan ko na talagang umalis at iwanan 'tong si Lejaby.

Gosh, I want to have a picture with this cute fairy! This is the perks of not having a phone. Kahit cherry mobile lang sapat na, magagamit ko din 'yon. Ayokong mag-Iphone tapos mahirap naman pala kami.

"That friend of yours is funny." Natatawang sabi pa din ni Lejaby. Parang tinutukoy niya ata ang pagsasalita ni Hannah.

"Masanay ka na."

"Sayang ang ganda niya, she needs a tutor." Sabi ni Lejaby at napatigil. "By the way Princess, anong ginagawa niyo dito?"

Napatigil ako, hindi ko alam kung matitiwala ko siya. We just meet, baka kalaban pala siya.

"It's kinda confidential."

"I understand." Nadismayang sagot nito sa akin.

Lumapit ako sa kanya at kinurot ang kanyang mumunting pisngi. She was so adorable, ang ganda pa ng sout niya.

"Don't be sad, ayoko lang talagang magsabi ng mga bagay na wala akong karapatang sabihin." Mapaklang sabi ko at napataas ang kilay niya.

"Is that the humans call hugot? Did someone hurt you before Princess?" Napa-ismid ako dahil sa reaksyon niya.

Advance mag-isip.

"Stop with your humorous conclusions, ni wala pa nga akong ex." Paliwanag ko sa kanya. "Tsaka, don't call me Princess, baka may makarinig."

"Okay, Princess." I gave her a stare. "I mean, Amira."

"Amira?"

"Your name is Amira Julierelle Duke. Hindi mo ba alam?"

Auksrytia || The Lost Key And The Gems Of Pure Heart.  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon