Chapter 4

31.2K 1.7K 982
                                    

Chapter 4

Ruth

Mahinahon na nagpasalamat si Mommy sa landlady nang makalapit na ako sa kanya. Ngiting-ngiti naman ang landlady sa kanya at parang ayaw pang pakawalan si Mommy sa pakikipagkwentuhan. 

May sinenyas siya kay Manong. Tumango naman ito at binuksan ang pinto sa backseat ng sasakyan. Hinawakan ako sa braso ni Mommy pero hindi ko maalis ang tingin sa sasakyan. Tama nga ang hinala ko. Binaba ni Manong ang maraming plastic bag at paper bag ng groceries mula roon at dinala sa akin. 

“Mommy . . .” nanghihina kong tawag sa kanya. Agad akong humawak sa kanyang malambot na kamay at yumakap sa kanyang gilid. Nilubog ko ang mukha ko sa kanyang balikat sa labis na pagka-miss ko sa kanya. “I wish Daddy is here too. Thank you for coming.” sabi ko. Oh, I missed them so much! 

Mahinhin siyang tumawa. Magaan niyang sinuklay ko ang buhok ko. 

“We missed you so much, Ruth. Hindi ko lang mahatak ang Daddy mo dahil busy pa sa opisina. But I will call him later,” 

Umayos ako ng tayo at nahiyang ngumiti. Hindi ko inalis ang kapit sa kanyang braso. Umiling ako. 

“’Wag na po, Mommy. Okay lang.” 

“Saan ko po ito ilalagay, Ma’am Jahcia?” tanong ni Manong. 

“Sa loob po, Manong.” Sabay-turo niya sa apartment na tinutuluyan ko. 

My hands were still trembling. Nilabas ko ang susi ng pinto para makaupo na si Mommy sa loob. Ang init-init pa naman dito sa labas. 

“Kumain ka na ba, Ruth? I can cook for you, hija.” Tanong niya sa akin habang sinususian ang pinto. 

Nangiti ako. Pagkapasok namin ay agad kong binuhay ang ilaw at ang stand fan. Pinaikot ko iyon para para malamigan na siya. Pinasok naman ni Manong ang mga grocery at nilagay sa ibabaw ng platic kong mesa. Lumabas siya ulit at may binalikan pa. 

Binaba ni Mommy ang bag niya sa upuan. Tahimik akong pinasadahan ng tingin pagkatapos ay ang loob ng apartment naman. 

“Juice, Mommy?” binuksan ko na agad ang ref at tiningnan ang laman no’n. Mayroon pa akong isang sachet ng orange juice na nasa ibabaw lang din ng ref. Nilabas ko ang pitsel ng tubig. 

“Sige, hija.” 

Binaba ko iyon sa mesa. Katabi ng ilang grocery bags. Pero kinailangan kong magbaba ng isa para makaespasyo. Ganoon karami ang dala ni Mommy. 

“Ang dami naman po nito. Ilang buwan ko na pong stock dito,” sinundan ko iyon ng tawa. 

Nang tingnan ko siya ay nahuli kong nakahalukipkip ito at nakatunghay sa puting polo na suot ko. It was so out of my style. I know. Bahagyang nagsalubong ang mga kilay niya. 

“Saan ka nanggaling, Ruth?” 

Tumikhim ako. Sinalin ko sa pitsel ang powder juice. “Sa interview ko po, Mommy. Pang-OJT ko.” 

Tumalikod ako para makakuha ng kutsara panghalo. Ginamit ko rin ang oras na iyon para kagatin ang labi sa kaba. 

“Nang gan’yan ang itsura mo, anak? Hindi kaya, masyadong malaki sa ‘yo ang suot mo?” may pag-aalala niyang boses. 

Pagharap ko ay nakalapit na sa mesa si Mommy at mas pinagmasdan ako sa malapit. 

Umiling ako. Hindi ko naman kailangang magsinungaling. “Bumababa po kasi ang suot kong tube kanina. Kaya, nagpalit po ako ng damit.” Nagsalin ako ng juice sa baso at inabot sa kanya. 

“Baon mo ‘yan?” 

“Hindi po. Pinahiram lang.”  

Tumaas ang mga kilay niya. 

Racing Hearts (De Silva Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon