Chapter 24

31.3K 1.4K 652
                                    

“If someone is angry with you, a gift given secretly will calm him down.” Proverbs 21:14

***

Chapter 24

Ruth

Iilan pa lang ang kumakain sa canteen nang pumasok ako. Naghanap ako ng bakanteng upuan. Napansin ko ang isang mesa na pinakukumpulan ng mga estudyante. Lahat sila ay napabaling sa akin. Nagbulungan tapos ay bumungisngis. Pinagwalang bahala ko na iyon. Bumili ako ng pagkain ko bago naupo malayo sa mesang iyon. Makalipas ang ilang sandali nagpasukan ang ilan pang mga estudyante para kumain. Nag iisa akong naupo sa pwesto. 

Dumaan sa gilid ko sina Nina, kasama ang mga alipores niya. Malakas silang tumawa pagdaan sa akin. They took the table near mine. Nilabas nila ang kani kanilang cellphone. Nangingibabaw ang ingay nila. Paglingon ko, nakita ko ang kakaibang tingin sa akin ng iba pang estudyante. Titingin sa cellphone, bubulong sa tabi na para bang hindi ako nakatingin sa kanila. May dalawang babaeng pinasadahan ako ng mata at tinaasan ng kilay. Bumagal ang pagnguya ko pagkakita ko sa kanila. Halos mawalan ako ng gana dahil sa klase ng atensyong binibigay nila sa akin. 

Mabigat akong bumuntong hininga. I puckered my lips and tried to swallow the bread in my mouth. Umilaw ang cellphone ko. I saw Dylan’s text message: 

Dylan: 

Don’t mind the news. I will take care of it.

Hininto ko ang pagkain at binitawan ang tinapay. Mabilis akong nagtipa ng reply. 

Ako: 

May sinabi ba ang parents mo? Baka magalit sila. 

Hindi ko pa nababasa ang article na ginawa ng reporter na taga Philippine Daily. Dylan already read and saw our photos online. Tinext niya ako agad kaninang umaga at pinaalalahan tungkol sa balitang iyon. And now, it’s spreading like a virus. 

Napatingin ako kay Nina nang magtaas ito ng mukha at deretso ng baling sa akin. Pumangalumbaba siya sa mesa. “Sino ba naman kasi ang tatanggi sa isang Dylan de Silva, ‘di ba? Bagay nga sa kanya ‘yung kantang ‘Nasa Kanya Na Ang Lahat’, e.”

I bit my lower lip and lowered my head. Sa lakas ng boses niya, pati ibang kumakain ay nilingon siya. Bumaling ang maraming ulo sa gawi niya. Some, I felt, looked at my way, too. 

One girl disagreed with her. “Pero nakakadismaya, Nina. Magpinsan sila. Hindi ba nakakadiri ‘yon?”

“Oo nga. Papatusin mo ba ang tinuring mong pinsan? Kahit perfect tingnan si Mr. de Silva, pinsan pa rin ‘yun. Ano, namuo ang relasyon noon pa? Eww!”

“Hindi naman sila magkadugo. Ampon si girl.”

“Kahit na, ‘no. May barrier pa rin dapat.”

“Their family will suffer for sure.”

“Oy, ‘di pa natin sigurado ‘yan, ha!”

“Nina! May next article pa ba ‘to? Clue naman d’yan. Bitin ‘tong chika niyo.” Sigaw ng isang lalaki sa dulong mesa. 

Sinundan iyon ng malakas na tawanan. Nang may pumasok na Professor ay agad silang sinuway. Tumahimik naman ang lahat na parang walang nangyari. The Professor acted like as if he didn’t know anything yet. Maybe he still doesn’t know the news about me. Hindi naman siguro lahat ay interisado sa balitang iyon. 

Dylan:

Hindi ko pa sila nakakausap. Don’t worry, babe. Ako ang bahala sa lahat. Sunduin kita mamaya sa office?

Ako:

Pupunta ako sa shop after my training. 

Dapat hindi ako magpaapekto sa balitang iyon. But I knew better. I’m a graduating journalist student. Kahit ilang beses kong sabihing ‘wag magpaapekto at lilipas din ang bagyo, pwedeng may follow-up pa ‘yon o panibagong issue. 

Racing Hearts (De Silva Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon