“Anything you say to the wise will make them wiser. Whatever you tell the righteous will add to their knowledge.” – Proverbs 9:9
**
Chapter 38
Ruth
Hindi pa rin ako makagalaw. Hindi ko alam kung gaano katagal na akong nakaupo sa sofa na ito at hindi ko na inisip pa ang oras. Pinagpahinga na sa kani kanilang kwarto sina Dulce, Yandrei and their mothers. Anton and Dean went outside to get some coffee. Ang dinig ko ay hindi sila matutulog. Sina Kuya Nick at Red ay lumabas lang din sandali.
Naririnig ko ang mahihinang pag uusap nina Uncle Johann, Uncle Reynald at ni Daddy. Si Mommy ay pinilit ni dad na magpahinga sa kanilang kwarto pero hindi siya umaalis sa tabi ko. That was when I realized na hindi siya aalis kung hindi ko uudyukan na matulog. Lumalalim na ang gabi at ayokong mapuyat siya dahil sa akin.
Patingin tingin din siya kay Dylan na nakahalukipkip ngayon at tahimik sa isang tabi.
We all got worried of his outburst. Natahimik ang lahat na tila siya ang nagsisilbing koneksyon namin kay ate Deanne. Maybe because he’s her twin. They shared the pain and loneliness. He somehow could feel her.
“I’m okay, mom.” I murmured to her. I glanced at Dylan. Nakatitig siya sa akin at umiigting ang panga.
Binalingan ko si Mommy. Pinagmasdan niya ako. I sighed and held her hand.
“Bukas po ako uuwi. Pinagpaalam ako ni Dylan kay Lola Socorro.” I added.
She sighed and stared down at our hands. Pinatong niya ang libreng kamay sa magkahawak naming mga kamay. I felt the feathery touch of her palm, its warm and softness.
“Hindi ko inakalang aabot tayo sa ganitong sitwasyon. Sobrang laki ng tiwala ko na hindi ka niya makikilala. Na hindi ka niya maaagaw sa amin,”
“I’m yours, M-Mommy.” my voice trembled.
Mabigat siyang bumuntong hininga at malungkot na ngumiti pag angat niya ng mukha sa akin. She tucked my hair behind my ear and blessed me with her loving eyes.
Pinagmasdan ko rin siya. Hindi kailanman mabubura sa isipan ko ang kanyang maamong mukha magmula noon pa.
“I was never close with your mother. Minsan ko siyang kinainggitan at . . . pinagselosan. I hated her once for lying to me. Pero, lubos ko siyang naintindihan nang pinanganak ko Red. A mother will always put her child first no matter what happens. It’s not always all about feeding you or giving you everything that you need but also protection. Mahalaga sa bawat nanay na mabigyan ng maayos at ligtas na paligid ang anak. Denise must be thinking of how you would grow up and how your surroundings would affect you to be the woman she wanted you to be.”
Habang pinapakinggan ko ang bawat salitang sinasabi ni Mommy tungkol kay Mama, ay nagawa kong isipin at ikumpara ang mga basurang salita na sinabi ni Papa.
Tila binuhusan ng mga bato ang lalamunan ko. I may be not used of hearing these words for my mother that I never met.
But Mommy made me somehow felt how Denise as a mother.
“Alam mo madalas, ang pangarap na hindi narating ng magulang ay pinapasa sa anak. Kahit hindi ko lubusang nakilala si Denise, pero noong pinagkatiwala ka niya sa amin--sa akin--bago siya nawala . . . pakiramdam ko . . . pinagkatiwala niya ang buong buhay niya. I am so willing to be your mother and your protector. Nilayasan ko pa nga ang dad mo noon dahil sa ‘yo. Nang sina Dylan na ang gumawa ng paraan at umako ng pagprotekta sa ‘yo, natakot akong masaktan ka. I even asked you to avoid him, remember? Gusto kong manatili kang anak ko. But then, I realized, Dylan’s plan was much stronger than what I am willing to do.”
![](https://img.wattpad.com/cover/77786468-288-k363369.jpg)
BINABASA MO ANG
Racing Hearts (De Silva Series #4)
RomanceDe Silva Series 2nd Gen. The story of Dylan De Silva.