Chapter 7
Ruth
He was the pilot. Ito ang unang beses na masaksihan ko kung paano niya pinalipad ang helicopter at nagmando hanggang sa marating namin ang isang ekslusibong isla. I could say he was smooth, very familiar and very calm. Ako pa nga ang mas ninerbyos sa buong byahe namin. I barely enjoyed the flight since my heart was hammering inside its cage.
A four uniformed staff waited on the ground. May mga nakapilang puting golf cart at doon ay binuhat nila ang mga dala naming bag. Isang bag lang naman ang dala ni Dylan. And all of them were very polite at us. I wasn’t surprise that they already knew him.
I was escorted at my villa. Gusto ko sanang puntahan agad sina Mommy at Daddy pero gusto ko ring magpahinga muna saglit bago mangumusta sa kanila.
Kasama ko namang dumating si Dylan. Tiyak na malalaman din nila na nandito na rin ako.
The assigned butler opened the villa’s door for me.
“Thank you,”
“You’re welcome, Ma’am Ruth! Please enjoy staying in our island!” he happily said before he left the villa.
Sandali akong hindi nakagalaw at nanatiling mangha sa sariling kwarto. Villa pa nga. Noon, madalas kaming magbakasyon na pamilya. I went to Boracay, Siargao at kahit sa ibang bansa. Daddy made it possible. Nakakapunta ako ng ibang bansa at bakasyon dahil din sa kanila. Pero pagkatapos ng delubyo ay naputol ang lahat ng iyon. Ngayon na lang ulit ako nakapunta sa mga mamahaling lugar tulad nito.
Masaya ako dahil naaalala pa rin ako ng mga de Silva sa mga ganitong importanteng okasyon. It felt like home. Maliban na lang na walang-wala ako ngayon. I didn’t have any power now or even connection na masasabi. I am just Ruth Hilario.
Nilapitan ko ang isang pabilog na mesa at kinain ang nakahandang chocolate bar doon. Puro glass wall ang paligid. Mahalaman ang labas kaya hindi kita ang kalapit-bahay. Alam kong may katabi akong villa na nadaanan ko pa. Sa tapat ng kama ay mayroong swimming pool. Pati banyo sa labas ay glass wall din. Kumpyansa ang may-ari nitong isla na walang magkakasilipan kaya may ganitong banyo sa villa. Well, matataas ang mga puno at halaman kaya’t hindi naman talaga kita.
Mahina rin ang signal at hindi ko ma-text si Esther na nakarating na ako.
Nang makapag-settle ako ay kinatok ako ng butler. Pinapatawag na raw ako ng parents ko para maghapunan.
Ang laki ng ngiti ko. Nagmadali pa ako sa pagkilos. I wore my halter top white dress. Flat sandals at nilugay ko na lang ang buhok ko. Wala na akong ibang bitbit maliban syempre sa cellphone para makapag-picture sa lugar.
The butler drove the golf cart. Ang lamig ng hangin at dinig na dinig ko ang daluyong ng dagat. Ang sarap sigurong tumira sa lugar na ito. Tahimik at payapa. Parang kay layo-layo sa problema.
Pagdating sa restaurant ay natanaw ko kaagad ang angkan ng de Silva. I immediately saw Uncle Johann. Nakatayo ito at may kausap na staff ng restaurant. Naharangan nga lang nang biglang tumayo si Dulce at excited akong kinawayan. Then all of them looked at the entrance where I was standing so hesitantly. Shyly. Nahinto lang ako roon. Tinalo ng hiya at panliliit sa sarili. Nalusaw na nga yata ang excitement na naramdaman ko kanina lang.
Nandito silang lahat. Hindi lang sina daddy at mommy. I barely saw them. Kapag iniimbitahan nila akong magpasko o bagong taon sa kanila ay bihira akong sumama. I could still receive gifts from them.
Napalunok ako.
“Ate Ruth!”
I heard Red’s deep voice. Lumingon ako sa kaliwa ko. Naroon ang mahabang mesa para sa buong pamilya ng Daddy at Mommy. Sa katabi at separate na mesa naman ang pamilya ni Uncle Johann. Sa tabi nito ay ang mesa nina Uncle Reynald.
BINABASA MO ANG
Racing Hearts (De Silva Series #4)
RomanceDe Silva Series 2nd Gen. The story of Dylan De Silva.