Chapter 11
Ruth
I really didn’t know how to explain it to Esther. Parehong kaming tahimik habang kumakain. I was surprised when I saw her with Walter. But I guessed she felt the same when she saw Dylan kissed me. It only took a kiss then we weren’t able to speak at each other like before.
Hindi ko muna inungkat iyong tungkol sa kanila ni Walter. May araw din para roon. Nang mapag-isa ako ay palagi ko ring naiisip si Dylan. Hindi ko matanggal sa isipan ko. Kahit sa utak ay dikit pa rin nang dikit.
Was he serious about marriage?
Pumasok ako sa office. Doon ay binuhos ko ang buong lakas at atensyon para mabura sa isipan ko ang lalaking iyon. I started to enjoy my training. Kahit na medyo mababaw lang ang task ko. Kung minsan ay nauutusan pa akong magtimpla ng kape. Hindi ako nagrereklamo.
Nakikita ko rin kung paano magtrabaho ang mga journalist ng Bangon Pilipinas. May pagkaseryoso ang ambiance. Which I seriously understood. This was the field I wanted to blend in and render my service. Hindi madali ang trabaho at kailangan ng lakas ng loob sa ibang banda.
Mula sa pagta-type sa computer ay nag-angat ako ng mukha nang makitang hinahabol ng isang empleyado ang CEO namin.
“What’s the problem with my article?” reklamo nito habang tinataas pa ang mga papel na hawak.
Huminto sila hanggang sa salaming pinto ng opisina ng CEO.
“It wouldn’t be a problem kung hindi mo pinersonal ang report mo, Jules. Kung gusto mong isulat ‘yan, make sure na hindi ka bitter. Choose the right words! Revise it and then let’s see,”
“Pero Ma’am-“
Pinagsarhan na siya ng pinto at wala nang nagawa. Nanlulumong umalis si Sir Jules. Wala ni isa ang lumapit sa kanya para kausapin ito. Napalingon ako kay Ma’am Farrah nang malakas itong bumuntong hininga mula sa pagta-type.
“If I were Jules, ise-set aside ko ang personal motives ko sa article. Hindi ko isasangla ang reputasyon ko at ng kumpanya nang dahil sa personal na galit.” She looked at me and smiled. “Take note of that, Ruth. Kahit na gaano kaganda ang article mo pero kung puno ito ng galit at pangpersonal lamang, naghahanap ka lang ng away at hindi journalism ang tamang career. We should be neutral and responsible. At tapat sa paglalahad ng balita.”
“Yes, Ma’am.” Nakangiti kong sagot sa kanya.
Reputation. Isa iyon sa gusto kong i-build sa larangang ito. Bilang sa kamay ang mga hinahangaan kong journalist sa ngayon. Karamihan ay mga batikan at iyong gumagawa ng documentary talaga. Gustong-gusto ko ang linya ng dokumentaryo.
Mayroon din akong mga tinitingalang reporter at TV Anchor. That made me wanted to meet my grandmother. She was a former TV Anchor na nag-migrate sa ibang bansa matapos mamatay ang anak at ipaampon ang apo sa mga de Silva.
Binalik ko ang paningin sa aking monitor. Mula sa bulsa ng bag ay nilabas ko naman ang binabaong USB. Walang pasubali ko iyong sinaksak at hinanap ang file na nasimulan ko nang sulatin. Hindi pa buo ito. Kulang na kulang pa sa hitik na impormasyon.
The Melaflor Clan. My father’s.
Sa dalawang pahinang sinulat ko, kasama pati ang ilang copy-paste information na nakuha ko online at ilang mga litrato, alam kong hindi pa ito sapat.
Madali kong nahanap ang dating family business na si Jake Melaflor ang huling humawak. Dating nagmamay-ari ng iilang hotel sa Metro Manila at Luzon. Nag-expand sa Visayas at Mindanao. Pero hindi natapos ang construction at nalugi rin naman dahil sa mishandle ng management. May mga issue’ng nakapaloob na hindi detelyado sa media. Pati ang pagkakalulong ni Jake Melaflor sa pinagbabawal na gamot ay nalaman ko rin.
![](https://img.wattpad.com/cover/77786468-288-k363369.jpg)
BINABASA MO ANG
Racing Hearts (De Silva Series #4)
RomanceDe Silva Series 2nd Gen. The story of Dylan De Silva.