Chapter 50

44.5K 2K 948
                                    

This is my last chapter. Next is the Epilogue (Dylan’s pov). Thank you for reading and waiting for my updates. I hope to see you all on my next one. – G.

**

“Everything that happens in this world happens at the time God chooses.” – Ecclesiastes 3:1

**

Chapter 50

Ruth

“Hindi mo naman kailangang magmadali. T’yak, maiintindihan ni Sir Leon ‘yan. Mapapag aralan mo pa.” 

Bumuntong hininga ako. Nag angat ako ng tingin kay Hector mula sa mga hawak kong dokumento. Kung saan nakasulat ang last will ni Lolo Leon. 

“This is a huge and running company, Hector. Wala akong business degree. Isa pa, nag fail ako sa cleaning services ko years ago. Paano ko mapapalakad ang ganitong kalaking kumpanya? I’m a Journalism graduate and I don’t know how to handle this huge, huge company!” I said honestly. 

Binalingan niya ang asawa kong nakaupo sa swivel chair. We were in World City Corporation’s spacious office. Kasama si Lola Socorro, ay dito na binasa ni Hector ang last will ni Lolo Leon. Kahapon lang ay natapos ang pasyam ni Lolo. We decided not to open this up until his forty days but Hector insisted. Acting President lang daw siya sa kumpanya ni Lolo Leon. 

Nakikinig si Dylan. Kanina pa siya nakatitig sa akin pero hindi ito kumikibo. 

“What’s your comment, Dylan? You know what is this. Ruth needs to manage it, too.” 

Tiningnan ko ang asawa ko. Nakasandal ang likod nito sa inuupuan. His lips twitching. I kind of liked his aura today. I mean, sa suot niyang puting longsleeves polo na walang kurbata o suit, gustong gusto ko ang porma niya. Hindi niya kailangang um-effort masyado to impress. Kung saan siya kumpotable ay iyon ang sinusuot niya. And my eyes delightfully liked his entire body. 

Damn. My hormones are raging. I shut off my eyes and went it back on the documents I am holding. 

“My wife is pregnant. My priority is her health. But if she will allow me, I can give my help.”

“’Yan nga rin ang naisip ko, hijo. Baka mapagod itong si Ruth kung hahawakan niya ang kumpanya. Pwede mo syang matulungan d’yan.” Lola Socorro added. 

Tumango si Hector at binalingan ako ulit. “That’s what I’m thinking, too.”

I looked at him. “Gagawin kitang representative ko. I can give you this company if you only wanted it!” 

Malakas na tumawa si Hector. Para bang nagjo-joke ako. Sumimangot lang ako habang pinapaningkitan ko siya ng mga mata. 

“I have my own firm, senyorita Ruth. Nand’yan naman ang asawa mo. He’s a businessman. Mapapakinabangan mo ‘yon.”

Matalim ko siyang tinitigan. “Malaking kumpanya nila ang hinawakan niya. Hindi ko pwedeng basta iatang ‘to sa kanya.”

“You know I can handle that, babe.” 

Matalim kong nilingon si Dylan. Prente pa rin siyang nakaupo sa harap ng mesa niya. “You’re going to be loaded. Kung gano’n ang mangyayari sa ‘yo, edi ako na lang hahawak nito. Magpapatulong na lang ako sa ibang empleyado para hindi kita maabala.”

I looked down again on the papers. 

Lumangitngit ang swivel chair niya. Umahon siya sa pagkakasandal pero hindi umaalis ng upo roon. He leaned more on his table. 

“Mas gusto ko pang ako ang abalahin mo kaysa magpatulong ka sa iba. Hindi mo mapapaalis ang focus ko sa ‘yo dahil lang trabaho mo, Ruth Kamila. Besides, hindi naman ‘yan mahirap gawin. I could even ask Dean to help me here in WCC. Hindi ako mahihirapan. At ayokong ma-stress ka r’yan.”

Racing Hearts (De Silva Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon