“Never ask, “Oh, why were things so much better in the old days?” It’s not an intelligent question.” – Ecclesiastes 7:10
***
Chapter 28
Ruth
Mabigat ang pagtapik ni Lola Socorro sa balikat ko pagkatapos niyang sabihin ‘yon sa akin. Kinutuban ako.
“I-Ipapatawag po? ‘La, naman. Wala na po kaming . . . k-kaugnayan sa isa’t-isa. Isa pa po, nakakahiya rin kina Uncle—Mr De Silva para tawagin sila rito.”
May nababalita na ba siya tungkol sa mga De Silva?
Humalikipkip si Lola. Tinabingi ang ulo at pinagmasdan akong maigi.
“Mukhang hindi ka pa handang harapin ang pamilyang ‘yon, hija?”
Nag iwas ako ng tingin sa kanya. I cleared my throat and squared my shoulder. Kumakalabog pa rin ang dibdib ko. “Apat na taon na po ang nakalipas. Baka may nagbago na sa kanila.”
“Mahigit sa isang dekada mo silang nakasama noon. Ang apat na taon ay maiksi lang kung ikukumpara sa taong nakapiling mo ang pamilyang iyon. O baka naman . . . sa iisang tao ka lang natatakot na makita?”
The famous news anchor Socorro Hilario (now Rafferty) showed up once again. Ito ang kanyang trait na naghatid sa kanya bilang isa sa mga respetadong mamamahayag dahil na rin sa kanyang kakayahang magtanong ng deretsahan pero low-key na tanungan. Hindi ko alam kung ikatutuwa ko ba na ganito siya. Dahil pareho kami ng tinapos na kurso. Pero di hamak na mas malayo ang narating ni Lola Socorro kaysa sa akin. Or maybe I am still in the game and a newbie in the media industry.
“There’s nothing for you to fear, my Dear Ruth.”
She sighed. Umupo ulit si Lola. Sinulyapan niya ang hardinero na para bang sinisigurong hindi nito maririnig ang kanyang susunod sa sasabihin. Then, she looked back at me again.
“I’m not scared po.”
“Alam kong hindi mo aamin,”
Pagod ko siyang tiningnan. Ngumiti pa siya sa akin at inabot ang isang kamay ko.
“Your M-Mama . . .” nabasag ang kanyang boses. Bumawi siya sa pagtikhim at dinaan sa pagbuntong hininga na mabigat. “. . . was fearless. If there was one thing that she was so scared about, it’s your future. Pero naglaho rin agad ang takot sa kanyang mukha nang pumayag ang mag-asawang De Silva na ampunin ka. Aside from your father Jake, I can be your guardian. She chose the De Silvas instead.”
Ito ay dahil . . . umibig si Mama Denise kay Daddy Matteo. But I didn’t voice it out to Lola Socorro.
Instead, “Dylan kicked me out when I turned eighteen.” ngumisi pa ako.
Nag angat ulit ng tingin sa akin si Lola. Kumunot ang noo niya. “But he proposed marriage to you four years ago. I can fully understand his motive.”
Mariin akong pumikit. Hindi ko gustong nagustuhan ng Lola ko ang ginawang pagpaplano ni Dylan noon. I already told her all his ridiculous reasons why he wanted to marry me. Medyo nagulat si Lola nang malaman niyang hinayaan nina Daddy ang ginawa ni Dylan pero hindi naman siya naglabas ng galit o hinaing sa mag-asawa. Siguro, dala na rin ng utang na loob sa pagpapalaki sa akin. Mas matagal ko pa rin silang nakasama kaysa sa kanya na tunay kong kadugo.
“’La, he had selfish reasons. Siya rin naman ang may kagagawan kung bakit nagkahidwaan ang dalawang miyembro sa pamilya niya.”
Sinalo ni Lola Socorro ang chin ko. Ininpeksyon niya ang mukha ko. Pinaling sa kanan, pinaling sa kaliwa. It feels like she is even checking if I have blemishes all over my face. Na-awkward-an ako sa kanyang ginawa kaya malakas akong tumikhim.
BINABASA MO ANG
Racing Hearts (De Silva Series #4)
RomanceDe Silva Series 2nd Gen. The story of Dylan De Silva.