“A good person’s words will benefit many people, but you can kill yourself with stupidity.” – Proverbs 10:21
**
Chapter 41
Ruth
Pinagmasdan ko si Dylan habang tahimik nitong binabasa ang sulat ni Napoleon Salviejo. Nagtagis ang bagang niya. Dumiin ang mga daliri sa card. He looked up at me and threw the card on his wide bed.
“Hindi ka pupunta. Pain ‘to para makuha ka nila. Kapag tumapak ka sa isla na ‘yon, hindi ka nila ibabalik.”
“Wala akong balak pumunta ro’n.”
Nakakatakot ang dilim sa kanyang mukha. “Paanong nakaakyat ang Hector na ‘yon sa building niyo?”
“Kakilala raw ng boss namin kaya pinapasok.”
He stared at me. Silence reigned. Nagbago ang pinta ng kanyang mukha. I knew then na mayroon na siyang mga bagong plano.
“May koneksyon ang Blue Rose sa TV station niyo. You will submit your resignation letter as soon as possible.”
“Pero Dylan-“
“Think about it.” putol niya sa akin. “Nabasa mo sa journal ni Jules na maraming negosyanteng kakuntyaba ng Lolo mo. Blue Rose provide protection to their members. Kung madaling nakalapit sa ‘yo ang Hector na ‘yan, kita nang malawak ang koneksyon nila.”
“Ilang taon na ako sa istasyon. Ngayon lang nangyari ‘to. Baka naman . . . hindi ang boss ang kakilala niya. Baka . . . nagsinungaling? Pwede naman ‘yon, ‘di ba?”
Pumikit si Dylan. He was half naked and looked tired. Gusto ko sanang i-skip ang tungkol sa pagdalaw ni Hector sa opisina pero hindi ko kayang ilihim sa kanya. Now, he looked frustrated and furious over my bad news.
Hinilot niya ang sintido. Ang kanyang panga ay umigting. Umiitim na ang paligid no’n dahil sa dumadaming tubo ng balbas niya.
“You will resign from that company. Don’t worry. Ililipat kita sa TV Station ni Uncle Reynald. I’ll call Nick later.”
“Hindi mo ba naisip na baka mali tayo? Nadamay lang ang istasyon pero hindi talaga sila miyembro? Pinuntirya lang dahil doon ako nagtatrabaho?”
Pagod siyang bumuntong hininga. Binalingan niya ako gamit ang mapungay na mata.
Bumigat ang pakiramdam ko.
“Your work is not my fucking priority, Ruth. You. I am protecting you from that fucking gang. You see? They will do everything to get you. Papasukin ang kayang pasukin para makalapit sa ‘yo. At hindi ako papayag na makuha ka nila!”
Bahagyang tumaas ang boses niya sa huling sinabi kaya napaigtad ako. Agad akong nagbaba ng tingin. I didn’t want to see his furious eyes while staring at me. I felt stupid to even argue with him. Ako ang problema niya.
Hindi ko na ginatungan ang gusto kong gawin. Tahimik akong lumabas ng kwarto. Narinig ko ang mahina niyang pagmumura. Kaya nang maisarado ko ang pinto ay nagmadali akong pumunta sa kitchen at uminom ng tubig na malamig.
My throat hurts when the cold water dripped in it. Malupit ang pagpintig ng puso ko. Binaba ko ang baso sa mesa at kumapit sa gilid. I stared at the flat surface. The Penthouse was so freaking quiet and now I hated it for letting me recognized all the emotions in my chest.
I didn’t care about the letter. I could just throw it and forget that it even existed. I just didn’t like that we fought and he raises his voice because of my stupid counterattack.
My work is important. There was no doubt. Pinaghirapan ko kung anuman ang narating ko ngayon. Pero dahil sa panggugulo ng Blue Rose ay nanganganib ko nang bitawan.
BINABASA MO ANG
Racing Hearts (De Silva Series #4)
Storie d'amoreDe Silva Series 2nd Gen. The story of Dylan De Silva.