“Homes are built on the foundation of wisdom and understanding. Where there is knowledge, the rooms are furnished with valuable, beautiful things.” – Proverbs 24:3-4
**
Chapter 48
Ruth
Pagkarating namin sa The Heritage Memorial Park, tila inaasahan na ang pagpunta namin. Ang ilang tauhan na dala ni Hector ay sinalubong kami idagdag pa ang staff ng punerarya.
Naunang bumaba si Dylan. Inalalayan niya ako tapos ay si Lola Socorro. Then, a man from this place told us at what chapel my Lolo is laid in kaya hindi na ako nakapagtanong pa. It seems Hector arranged everything smoothly.
There was loud thud in my chest while walking in this funeral homes. I could even feel my throat tightened as I am thinking that Lolo Leon is really . . . dead. Kinakausap ako ni Lola tungkol sa pamilya ko at pati sa pagse-secure sa lugar. Wala dapat na makalabas sa media na narito sa Metro Manila si Lolo Leon.
Binalingan ko si Lola Socorro matapos naming lumiko sa kaliwang pasilyo. “I will alert Hector, Lola. I’m sure hindi rin niya ilalabas ito sa media.”
“Just make sure apo na hindi ito matitimbrehan. Ayoko sanang mapag usapan nila kahit mabanggit ang pangalan ni Leon. Prutektahan natin siya.”
“Gagawin ko po, ‘la.”
Tipid niya akong nginitian bilang kuntentong sagot galing sa akin. Bahagya akong hinigit ni Dylan. Nasa harapan naming dalawa si Lola Socorro kaya hindi niya iyon nakita. I looked up at him. Kita ko ang dark coloring sa ilalim ng mga mata niya pero buhay na buhay ang malalim niyang tingin sa akin.
“Let me take over. Kami na ni Hector ang bahala.” Sabi niya sa tonong buo na ang plano.
I am touched. But ofcourse, gusto kong sumali. Kahit ito na lang ang magagawa ko sa aking Lolo Leon.
“I’ll help.” I whispered.
Inalis niya ang tingin sa akin. Pero nakita ko ang pagbusangot ng mukha niya. Tinaas niya ang kamay mula baywang ko patungo sa likod ko at binaba sa bandang gulugod. His hand is big. Kaya halos masakop nito ang likod ko. At kahit nakaharang ang t shirt niyang suot ko, dama ko pa rin ang pagtagos ng init galing sa kanyang palad.
Malapit na kami sa pinto. He licked his lips and sighed. He didn’t bring that up again.
Bago kami makapasok sa loob ng chapel, lumabas ang isa mga tauhan ng isla. Nakita niya kami at agad na lumayo sa bukas na double door. Paglapit namin ay yumuko ito at hinayaan kaming makadaan sa pinto.
Dylan’s hand tightened. Binalik niya sa tagiliran ko ang kamay niya at dinikit niya ako sa kanya. I’ve noticed how he became possessive even if wala akong nakikitang threat para magselos siya. O kung tama nga ang iniisip ko sa kinilos niya. Nilagpasan namin ang tauhan ng isla. Ni hindi ako nito tiningnan. Nanatili sa magalang na ayos. Nagtaka ako.
Halos sabay sabay na nagsitayuan ang mga taong nakaupo sa magkahilerang sofa. They were about ten or more men and a few women. Hindi ko mabilang nang maayos. Nakatingin silang lahat sa amin. Some nodded and greeted us in a subtle way. Like as if they acknowledging our presence. But the feelings they brought to me was they stood up because we arrived and they needed to greet us as compulsory greetings. Like they were soldiers to their captain.
“Senyorita Ruth.”
“Magandang umaga po, Ma’am Ruth.”
“Nakikiramay po kami sa pagkamatay ni Don Leon, Ma’am.”
Then silence stretched. At first, I needed to arrange the questions in my mind. Una kong inisip, sinu sino ang mga taong ito?
I am a little disoriented. Binalingan ko si Hector na nasa harap ng kulay ginto at makintab na kabaong. He did look at us. Sa itsura niya, halatang wala pa ring tulog. Ang suot nitong itim na pantalon at kulay abong t shirt ay may gusot na. Tiningnan niya ang mga maagang bisita habang lumalakad papunta sa amin.
BINABASA MO ANG
Racing Hearts (De Silva Series #4)
RomanceDe Silva Series 2nd Gen. The story of Dylan De Silva.