“If you flatter your friends, you set a trap for yourself.” – Proverbs 29:5
**
Chapter 49
Ruth
Esther:
Nasa labas na kami
Hinanap ko si Dylan. Katabi ko si Lola Socorro at Mommy. Nkikinig lang ako sa pinag uusapan nila. Nagtatanungan na kung saan gustong maghapunan. Even if may pagkain pa sa pantry, sa tingin ko ay mas gusto nilang kumain sa labas.
Nahagip ko si Dylan na lumapit kay Mommy Aaliyah. May sinabi siya at tumango ang Mommy niya. She fished out a brown bag from her black bag and passed it to her son. Nalingunan sila ng daddy niya. Nagtaas ito ng kilay. Tipid na nagsalita si Dylan tapos ay umalis doon. Sinundan siya ng tingin ng parents niya. Ngumiti at biglang tumingin sa akin si Mommy Aaliyah. I smiled back.
Tumayo ako at sinalubong ang asawa ko.
“Dumating na sina Esther at Walter. Susunduin ko sa labas.” paalam ko.
“Sasama ako.” Sabay abot sa kamay ko.
Sabay kaming lumabas ng chapel. Sinulyapan ko iyong brown bag sa kanang kamay niya. Nakilala ko ang tatak ng kilalang drugstore. Tumagal ang mata ko roon. Then, he cleared his throat. I looked up at him. He gulped like as if he was itchy or what.
Naglalakad kami sa hallway nang iikot niya ang braso sa baywang ko. Yumuko siya at nilapit ang labi sa tapat ng tainga ko.
“Do you need to pee?”
“Huh?”
He nodded once. “I’ll accompany you in the toilet room.”
Nagsalubong ang mga kilay ko. Gusto niya akong samahang mag-CR? Tiningnan kong mabuti ang mukha niya. Ano? Gusto ba niyang ulitin ang pagsunod niya sa akin sa cubicle ng CR sa kasal ni ate Deanne? Where he jailed me there and made-out with me? Does he want me right now even if we are in my Lolo’s burial?
Pagkarating namin sa labas ay saktong pagdating ng sasakyan ni Walter. Naunang bumaba si Esther at nakaguhit sa kanyang mukha ang pag aalala pagkakita sa akin. I went down and hugged her. She hugged me back and bombarded me with her questions.
“Panay ang tanong sa akin ni Walter kung sinong nakaburol. E, hindi ko rin naman alam dahil hindi mo sinabi sa akin. Akala yata niya wala kang sikretong hindi mo sinasabi sa akin!” kabado niyang bulong sa akin. Yumakap na siya sa braso ko at halos hindi na ako makasingit sa pagsasalita sa kanya.
Pinakinggan ko muna ang mga kwento niya at ilang katanungang hindi niya malagyan ng sagot.
“Saan ka nanggaling, ha? Kailan kayo nagpakasal ni Dylan? Hindi ka pa buntis niyan, ha? Naku, baka hindi mo lang sure pero preggy ka na!”
Inilingan ko siya. “Hindi pa nga,”
Bumaba si Walter ng sasakyan. Tinanguan ko siya. He looked at Dylan and greeted him, too. Pumihit ako pabalik sa chapel at panay pa rin ng daldal ni Esther. Pero ang paningin niya ay nakapako sa paligid ng funeral na ito.
“Sa pamilya ba ng mga de Silva ang lamay? Pangyayamanin ang puneraryang ‘to, ah.”
“Ang Lolo Leon ko, Esther. Biological father ni Mama Denise.”
“Ha? May Lolo ka pa?!”
I was expecting her brutal reaction once I told her about this. Kakurampot na impormasyon pa lang ‘yan pero ganyan na siya maka-react. What if kung ang lahat pa ng detalye.
Kasunod namin sina Dylan at Walter. Narinig kong sinabi ni Dylan na ang Lolo ko ang nakaburol pero hindi naman nagbigay ng violent reaction si Walter.
![](https://img.wattpad.com/cover/77786468-288-k363369.jpg)
BINABASA MO ANG
Racing Hearts (De Silva Series #4)
RomanceDe Silva Series 2nd Gen. The story of Dylan De Silva.