“He sets the time for sorrow and the time for joy, the time for mourning and the time for dancing,”—Ecclesiastes 3:4
**
Chapter 36
Ruth
Buong magdamag kong inisip ang tungkol sa pang-iiwan sa akin ng bantay kagabi ni Dylan at sa blue rose na pinatapon niya.
He called me that night. Saka niya pinaalam sa aking ‘wag akong matatakot at may tinalaga siyang bantay sa labas ng bahay ko. He sounded hard and very serious about it, kaya hindi ako nagprotesta.
Panandalian kong nalimutan iyon nang magsimba ako kasama sina Walter at Esther, sa San Roque Church – Diocese of Kalookan kami pumunta.
Nahabol kaya nila ‘yung batang lalaking nag abot sa akin ng rosas? Gusto ko sanang tanungin ang tauhan niya pero wala akong lakas ng loob.
“Parang ngayon na lang kitang nakitang nagpalda, Ruth.” Panunuksong pansin ni Esther sa suot ko paglabas namin mula simbahan.
Hindi ko rin alam kung ano’ng pumasok sa kokote ko at naisipan kong magsuot ng bestida. Matagal na itong nakatago sa cabinet ko at hindi nasusuot dahil mas kumportable ako sa jeans at plaid shirts. This is a squared neck black dress. Hanggang taas ang tuhod ko ang haba at may laso sa magkabilang baywang para i-ribbon sa likod.
“Linggo naman ngayon, Esther.”
Ngumiti siya at umiling. Naka-skinny jeans siya at kulay pink na midriff blouse. Her minimal makeup was on point. Ako naman ay nagkilay at lipstick lang. At itong pagli lipstick ko ay bibihira lang din. Nagpahid ako nito sa talukap ko dahil expired na ang nag iisang eyeshadow palette ko nang subukan kong lagyan.
I planned to update my kikay kit.
“Lunch na tayo,” aya ni Walter pagkalapit namin sa kanyang sasakyan.
Sa likuran ako umupo at sa harap naman ang mag-jowa.
“Ano’ng ginagawa ni Dylan ‘pag ganitong linggo, Ruth?” biglang tanong ni Walter habang nagda drive papuntang Max’s Restaurant.
Napatingin ako sa kanya sa rearview mirror. Esther looked back at me. May mapaglarong ngisi na naman sa labi niya.
“Magpe-first date na ba kayo as boyfriend and girlfriend? Saan naman?”
Tumawa si Walter. “Sweetheart,”
Nilabas ko ang phone ko nang marinig ang pag ring nito. Tumalon agad ang puso ko pagkabasa ng pangalan sa screen.
“Hello, Dylan?”
My heart battled with its beat after whispering his name.
“Tumawag na si boyfriend,”
Tiningnan ko nang masama si Esther sa upuan nito. Walter hushed her. Sumunod naman si Esther at nilubayan din ako.
“Babe, where are you?”
His voice was raspy. Iyong parang kakamulat pa lang ng kanyang mga mata at cellphone agad ang unang hinawakan.
Bahagya akong natigilan. Bakit niya ako tinatanong e, may mga tauhan siyang nakabantay sa akin?
Though, hindi ko sila nakita kanina paglabas ko. Pinauwi na niya kaya o naniniguro siyang accurate ang impormasyong nakukuha sa kanila? But then, sumagot lang ako nang totoo.
“Nandito sa Caloocan, nagsimba kami ni Esther. Kagigising mo lang?” tanong ko base sa boses niya.
He made a very low sound like as if I found him guilty. Napanguso ako at in-imagine ang kanyang itsura. Magulo ang buhok, mapungay ang mga mata, mapula ang labi at inosente ang mukha. Tulad ng kanyang itsura no’ng magkatabi kami sa kama ko.
BINABASA MO ANG
Racing Hearts (De Silva Series #4)
RomanceDe Silva Series 2nd Gen. The story of Dylan De Silva.